Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Banaag ng pag-asa

SHARE THE TRUTH

 212 total views

Mga Kapanalig, sa patuloy na pag-iral ng kultura ng karahasan at kamatayan sa ating bayan, mapalad tayo dahil may mga taong naninindigang labanan ito. Sa gitna ng kadiliman, mayroon pa rin tayong mga maituturing na banaag ng pag-asa, katulad ng obispo ng Diyosesis ng Kalookan na si Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David.

Kilala si Bishop Ambo na kritiko ng madugong giyera ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga. Nasasakupan ng Diyosesis ng Kalookan ang Caloocan City-South, Malabon City, at Navotas City, mga lugar na tinaguriang “ground zero” ng “war on drugs” dahil sa dami ng napapatay sa mga lungsod na ito—sa mga operasyon man ng mga pulis o gawa ng mga vigilante. Maliban sa pagiging kritiko ng “war on drugs”, aktibo rin si Bishop Ambo sa paggabay sa mga parokyang kanyang nasasakupan upang magpatupad ang mga ito ng rehabilitation programs para sa mga adik na nais magbagong-buhay. Tumutulong din siya sa mga naiwang pamilya ng mga pinatay.

Sa kabila ng mga ito, pinaratangan kamakailan ni Pangulong Duterte si Bishop Ambo na sangkot umano sa iligal na droga. Sa isang talumpati, nagbanta pa ang pangulo na papupugutan niya ng ulo ang obispo kung mahuhuli niya itong nagpapabili ng droga. Sagot naman ng obispo, hindi siya kailanman gumagamit ng anumang droga–legal man o ilegal. Tumutulong lamang daw siya sa pagpapanibagong-buhay ng mga adik.

Inakusahan din ng pangulo si Bishop Ambo na nagnanakaw sa kaban ng Simbahan. Dinadala raw ng obispo ang mga natatanggap na offerings at koleksyon ng Simbahan sa kanyang pamilya. Ipinagkibit-balikat lamang ito ni Bishop Ambo at sinabing may mga pagkakataong hindi nalalaman ng mga taong may sakit ang kanilang sinasabi, kaya dapat daw silang unawain na lamang.

Mga Kapanalig, sabi sa isang liham-pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP noong 2017, “Nagiging kasabwat tayo ng kasamaan kung pinahihintulutan natin itong magpatuloy at kung nananahimik tayo sa harap nito. Kung pinababayaan natin ang mga adik at tulak ng droga, nagiging bahagi tayo ng problema sa ilegal na droga. Kung pahihintulutan o hahayaan lang natin ang pagpatay sa mga pinaghihinalaang adik at tulak, nagiging responsable rin tayo sa pagpatay sa kanila.”

Muli, hindi tumututol ang Simbahang sugpuin ang problema natin sa iligal na droga. Ngunit naniniwala tayong maaari itong gawin sa paraang hindi marahas at nang walang nababalong mga asawa at nauulilang mga anak. Patuloy na naninidigan ang Simbahang hindi mabubura ng anumang uri ng droga ang dignidad ng tao. Hindi nababawasan ang kanilang halaga bilang nilikha ng Diyos dahil sa pagkakaligaw nila ng landas. Ang pagturing sa mga adik at tulak ng droga bilang mabababang uri ng tao ay hindi katanggap-tanggap na Kristiyanong pananaw. At ang pananahimik sa gitna ng paglaganap ng ganitong pananaw ay pakikipagsabwatan sa kasamaan.

Suportahan natin ang ating mga pastol na tinutuligsa dahil sa kanilang paninidigan para sa kasagraduhan ng buhay. Paano natin ito magagawa? Una, maging mapanuri tayo sa mga paratang na walang batayan. Lagi nating alamin at hanapin ang katotohanan. Ikalawa, huwag tayong mangiming magsalita laban sa patuloy na pagdanak ng dugo sa ating bayan. Huwag nating hayaang maging normal ang patayan sa ating paligid. Panghuli, makibahagi tayo sa mga programang tumutulong sa pagpapanibago ng mga kapatid nating naliligaw ng landas. Magbigay din tayo ng tulong sa mga nagbibigay ng suporta sa mga naiwang pamilya ng mga pinaslang.

Mga Kapanalig, tayong lahat na mananampalataya—mga obispo, mga relihiyoso, at mga layko—ay tinatawag na maging saksi sa pag-ibig ng Diyos para sa mga kapatid nating naliligaw ng landas. Manindigan tayong hindi sagot ang pagpatay sa ngalan ng mas mapayapang lipunan. Kahit sa munting paraan, dagdagan natin ang banaag ng pag-asa sa ating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 9,180 total views

 9,180 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 15,153 total views

 15,153 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 20,908 total views

 20,908 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 28,171 total views

 28,171 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 36,155 total views

 36,155 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 9,181 total views

 9,181 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 15,154 total views

 15,154 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 20,909 total views

 20,909 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 28,172 total views

 28,172 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 36,156 total views

 36,156 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,711 total views

 35,711 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,715 total views

 47,715 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,757 total views

 55,757 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,314 total views

 47,314 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,739 total views

 45,739 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,525 total views

 47,525 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,450 total views

 44,450 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,764 total views

 58,764 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,454 total views

 62,454 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,057 total views

 61,057 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top