Huwag matakot at patuloy na manindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

Ito ang hamon ni Bangued Bishop Leopoldo Jaucian sa bawat kabataan kasabay ng paglunsad sa Taon ng mga Kabataan.

Ayon sa Obispo na tagapamuno ng Komisyon ng Kabataan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, bilang malaking gampanin ng mga kabataan sa pakikiisa sa pagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko.

“Huwag tayong matakot dapat tayo ay tumayo, ipaglaban at isabuhay natin ang ating pananampalataya, so we stand for our faith and that will be the greatest witness na anumang mangyari ay hindi tayo papaapekto, hindi tayo matatalo sa anumang batikos sa atin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jaucian sa Radio Veritas.

Dahil dito, dapat aniyang malaman ng mga kabataan na sila ay iniibig ng Diyos at ng Inang Simbahan at higit na mauunawaan na sila ay isinugo ng Panginoon sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng Simbahang Katolika lalo na sa Pilipinas.

Hinimok pa ng Obispo ang mga kabataan na magtiwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos na nagpapasigla at nagbibigay lakas sa bawat mananampalataya.

“In God’s love no one can separate us and no one can really hinder us from living our faith,” ani ng Obispo.

Hinikayat pa ni Bishop Jaucian ang mga kabataan na sama-samang tupdin ang tawag at misyon ng Simbahan na hanapin at lingapin ang mga nalilihis ang landas at humihinang pananampalataya bilang pagtalima sa tema ng Year of the Youth na “Filipino youth in mission: Beloved, Gifted, Empowered”.

Kaugnay dito pormal na inilunsad ang Year of the Youth sa Diyosesis ng Balanga sa Bataan kasabay ng pagtatapos sa ika – 9 na Central Luzon Youth Pilgrimage 2018 na dinaluhan ng halos 3, 000 mga kabataan sa ika – 2 ng Disyembre ang unang Linggo ng Adbiyento at pagsisimula sa panibagong taon sa liturhikal na kalendaryo ng Simbahang Katolika.

Sa isang mensahe ng Kaniyang Kabanalan Francisco hinimok nito ang mga kabataan na maging aktibong kasapi ng Simbahan at maging katuwang sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 4,105 total reads

 4,105 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 15,476 total reads

 15,476 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 56,036 total reads

 56,036 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 83,255 total reads

 83,255 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 131,520 total reads

 131,520 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 152,915 total reads

 152,915 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top