CBCP sa kabataan, tularan si Andres Bonifacio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,179 total reads

Pagmamahal sa bayan at pag-aalay ng sarili para sa kapwa Filipino.

Ayon kay Rev. Fr. Kunegundo Garganta, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth, ito ang mga aral na dapat na matutunan at tularan ng mga kabataang Filipino mula sa bayaning si Gat Andres Bonifacio na ipinagdiriwang ngayon ang ika-155 taon ng kapanganakan.

Ipinaliwanag ng Pari na tulad ni Bonifacio ay dapat ring maging matapang ang mga kabataang Filipino laban sa mga maling nagaganap sa lipunan tulad na lamang ng kawalan ng kapayapaan.

Iginiit ni Father Garganta na hindi dapat magdalawang isip ang mga kabataang Filipino na lumahok at gumagawa ng aktibong mga pamamaraan upang makibahagi sa pagkamit ng kalayaan at katarungan.

“Love for country and dedication for the service of fellow Filipino and at the same time yung hindi natatakot o nadadaig ng mga bagay na kulang lalo na ang kalayaan. So kung kulang ang kalayaan kailangan lumahok para gumawa at makamit ang kalayaan so this are I believe one of the many examples or traits na puwede nating matularan sa isang bayani katulad ni Andres Bonifacio. Pagmamahal sa bansa at sa kapwa Filipino at gayundin yung pagmamahal sa kalayaan at itaguyod ito na hindi natatakot kahit na mag-alay ng buhay…” pahayag ni Father Garganta sa panayam sa Radyo Veritas.

Hinimok ng Pari ang mga kabataan na maging tagapagtaguyod ng kalayaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Filipino sa kanilang sariling pamamaraan tulad ng paggamit ng Internet at Social Media sa pagbabahagi ng mga impormasyon na nakapag-bubuklod sa mga mamamayan.

“Promoting messages that will unite and not divide the people…” dagdag pa ni Fr. Garganta

Si Gat Andres Bonifacio na tinaguriang “The Father of the Philippine Revolution” o “Ama ng Katipunan” ay isinilang noong November 30, 1863 at namatay noong May 10, 1897.

Si Bonifacio ang nagtatag ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) na samahang nagsimula ng himagsikan laban sa mga Espanyol.

Samantala sa bahagi ng pananampalatayang Katoliko, itinuturing na mga bayani ang mga karaniwang taon na sinaksihan ang pananampalataya sa hindi pangkaraniwang paraan tulad ng mga martir at mga santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,815 total reads

 126,815 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,256 total reads

 170,256 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,012 total reads

 220,012 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,208 total reads

 379,208 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 400,550 total reads

 400,550 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top