162 total views
Ipinagtanggol ng pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang ilang Obispo at Pari na sinampahan ng kasong sedisyon ng Philippines National Police (PNP).
Ayon kay CBCP-President, Davao Archbishop Romulo, ikinalulungkot niya ang mga bintang na hindi kapani-paniwala lalu’t hindi matatawaran ang pagmamahal sa bayan at malasakit sa mamamayan ng mga isinasangkot na Obispo at Pari.
“That they are accused of sedition and other criminal complaints is for me beyond belief. They may be perceived as very vocal and very critical in their pronouncements. But that they consciously worked promoting seditious activities and other related crimes? These honestly I cannot believe. These are individuals whose love for country and dedication for the welfare of our people I cannot doubt,” pagtitiyak ni Archbishop Valles.
CBCP statement
Read: On the accusation of sedition against some bishops
Umaasa rin si Archbishop Valles na umiiral ang katarungan at ang katotohanan na siyang magbibigay ng linaw sa kasong iniuugnay sa mga lingkod ng simbahan.
Suportado naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos, incoming chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino ang mga inaakusahang Obispo at Pari.
Read: There are end to lies and calumny!
Ipinagdarasal naman ng Arsobispo ang kapanatagan at katatagan ng mga obispo at paring isinasangkot sa kasong sedition at magtiwala na lalabas ang katotohanan.