253 total views
Ito ang binigyan tuon ng talakayan sa paksa na “Listening and Accompanying Church” sa ikatlong araw ng Philippine Conference on New Evangelization o PCNE6 sa Quadricentennial Pavillion ng University of Santo Tomas.
Ito ay pinangunahan nina Fr. Jade Licuanan, Sr. Helen Palacay, FMIJ at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kung saan nagkaroon ng palitan ng kuro-kuro sa pagitan ng kabataang panauhin at mga ‘mentors’ o mas nakatatanda.
Sa paglalagom, binigyan diin ni Cardinal Tagle na ang mga nakakatanda sa kabila ng kanilang karanasan at tungkulin bilang mga magulang at guro ay kinakailangan pa ring magpakumbaba.
“All of us shepherds must remain sheep. The moment we stop accepting the identity of being sheep that need to be shepherded, then our shepherding role also ends,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.
Iginiit ni Cardinal Tagle na kinakailangan din ang paghahangad na patuloy na matuto, makinig at umunawa lalu na sa paggabay sa mga nakakabata.
“We who has been called the shepherds or the mentors, if we want to remain mentors, we need the humility and inquisitiveness and the eagerness to constantly learn and be mentored by others,” ayon sa mensahe ni Cardinal Tagle.
Pinayuhan naman ng Kardinal ang mga kabataan na yakapin ang tungkulin dahil hindi sila mananatiling bata at darating ang panahon para sila naman ang magiging gabay at tagapayo ng susunod na henerasyon.
“Start appreciating your roles as shepherds. Mentor your peers, and mentor us also. [the elderly],” ayon pa kay Cardinal Tagle.
Kabilang sa mga panauhin ang mag-asawang Cory at Nelson Villafania at anak nilang si John; at The Feast Speakers Benedict Sanchez-anak ni Bo Sanchez, at Audie Villasa.
“In the end, no matter how hard we try to mentor each other, no one, no sheep will be perfect. The humble mission that we remain a sheep and I will always remain a shepherd. Sa bandang huli, we turn to God the shepherd. Walang makakapaghiwalay sa atin sa pag ibig ng Diyos,” saad pa ni Cardinal Tagle.