CEAP, pangungunahan ang “prayer for healing of the nation”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total reads

Tiniyak ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang pakikiisa at pagtalima sa inilabas na circular 2016-23 o Prayer for the Healing of the Nation ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President at Lingayen Archbishop Socrates Villegas na may titulong “Lord Heal our Land”.

Ayon kay Anthony Coloma, CEAP Advocacy and Information Management Officer kaisa ang lahat ng mga Catholic Schools sa buong Archdiocese of Lingayen-Dagupan sa layunin ni Archbishop Villegas na sama-sama ipapanalangin ang mapayapang paglutas ng iba’t ibang suliraning panlipunan sa bansa.

Sa kabila nito, nilinaw ni Coloma na tanging ang mga Catholic Schools pa lamang na sakop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan ang magpapatupad sa naturang Circular alinsunod na rin sa bureaucracy ng bawat diyosesis sa buong bansa.

“Well definitely, we will support it lalo na sa mga Catholic Schools sa Lingayen-Dagupan pero dahil nga ang situation niyan yung Bishop nung Diocese yung nag-ano operational lang siya muna dun sa Diocese nila, iba kasi yung bureaucracy sa mga Dioceses, this is a particular Circular issued by the local ordinaries to the Catholic Schools in his jurisdiction na ngayon in the event na ia-adopt ito for all Catholic Schools call nung mga Bishops…” ang bahagi ng pahayag ni Coloma Radio Veritas.

Kaugnay nga nito, simula ngayong araw hanggang ika-7 ng Setyembre nakatakdang dasalin ang Prayer For Healing sa mga Simbahan at mga Katolikong Unibersidad at paaralan alinsunod na rin sa inilabas na Circular ni Archbishop Villegas sa gitna nang pagdami ng mga namamatay sa mas pinaigting na laban ng pamahalaan sa ilegal na droga.

Ayon sa Arsobispo, layunin nitong himukin ang sambayanang Filipino na magdasal para sa pagkakaisa ng bansa at mapayapang paglutas sa iba’t ibang suliraning panlipunan kabilang na ang kriminalidad at kurapsyon kasama na ang pakikidalamhati sa pamilya ng mga namatay.

Batay sa tala, nasa 17 ang bilang ng mga Catholic Schools sa ilalim ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan habang tinatayang nasa higit 1.1-milyon ang bilang ng mga Katoliko sa buong arkidiyoses.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 81,976 total reads

 81,976 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 116,653 total reads

 116,653 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 140,738 total reads

 140,738 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 177,223 total reads

 177,223 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 190,454 total reads

 190,454 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top