162 total views
Matibay na pundasyon ang Encyclical Letter on Ecology na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pagtatanggol sa kalikasan ngayong Season of Creation.
Ayon kay Fr. John Leydon Convenor ng Global Catholic Climate Movement kahanga-hangang panimula para sa Season of Creation ng Pilipinas ang unang araw ng Septyembre bilang world day of Prayer for care of Creation.
Dagdag pa ng pari, ang pagiging aktibo ng Santo Papa sa pangangalaga sa kalikasan ay lalong nagpapalakas sa pananampalataya ng mga tao.
“It is really a great act of leadership to be so bold, so timely and andaming mga tao na talagang parang nanginginig sila sa sinasabi ni Pope Francis even people who are not Catholics, they’re saying it’s like we are deprived of the truth, it’s like people are being deprived of oxygen, and suddenly the Pope had spoken, and it’s like oxygen to the people who are suffocated,” payahag ni Fr. Leydon sa Radyo Veritas.
Kaugnay dito, magkakaroon ng banal na misa ngayong September 1 bilang pagdiriwang sa muling pagbubukas ng Season of Creation.
Inaasahan namang makikiisa sa pananalangin para sa sangnilikha ang may 35 milyon ang miyembro ng tinaguriang Pope’s Worldwide Prayer Network na nagmula sa 89 mga bansa sa buong mundo.