Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Children’s Emergency Relief and Protection Act, agarang ipatupad

SHARE THE TRUTH

 211 total views

Ikinagalak ni CBCP Episcopal Commission on Youth Chairman Abra Bishop Leopoldo Jaucian ang paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa Republic Act 10821 o Children’s Emergency Relief and Protection Act.

Ang batas na ito ay naglalayong mabigyan ng kumprehensibong plano at proteksyon ang mga kabataan na nagiging biktima ng mga kalamidad lalo na’t isa ang Pilipinas sa mga bansa na pinakanakakaranas nito.

Para kay Bishop Jaucian, malaking tulong ang maidudulot ng nasabing batas para mabigyang pansin ang mga bata na apektado ng mga dumarating na kalamidad sa bansa dahil sila ang nalalagay sa peligro at nawawalan ng magandang kinabukasan.

Aniya, ang mga bata ay maituturing na isa sa mga pinaka dapat bigyan pansin na miyembro ng pamilya tuwing nagkakaroon ng kalamidad sapagkat hindi pa sapat ang kanilang kakayanan para ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa sakuna.

“Kasi karamihan lalong-lalo na ang mga bata sila ang mahihinang miyembro ng pamilya na talagang nangangailangan ng tulong, na higit na pagtuunan natin ng pansin, sa tingin ko malaking tulong ito lalo na sa mga kabataan.” pahayag ni Bishop Jaucian sa panayam ng Radio Veritas.

Unang nauprabahan ang R.A 10821 sa Senado noong buwan ng Pebrero.

Umaasa si Bishop Jaucian na sa pagkakaroon ng bagong administrasyon ay mabigyan pansin ang bagong batas at maging epektibo lalo na’t papasok na ang panahon ng tag-ulan.

“Sana maipagpatuloy ito lalo na ang pangangalaga sa karapatan ng mga bata, lalo na ang pagtulong sa kanila”dagdag pa ng Obispo ng Bangued, Abra.

Batay sa datos ng Save the Children Philippines, umaabot sa 1.3 milyong kabataan ang naapektuhan ng iba’t-ibang kalamidad noong taong 2015.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,229 total views

 83,229 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,004 total views

 91,004 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,184 total views

 99,184 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,716 total views

 114,716 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,659 total views

 118,659 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 19,395 total views

 19,395 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 38,404 total views

 38,404 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top