Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CHR, naalarma na sa sunod-sunod na kaso ng ‘salvaging’

SHARE THE TRUTH

 221 total views

Naaalarma na ang Commission on Human Rights (CHR) sa sunod-sunod na insidente ng ‘summary executions’ sa bansa.

Ayon kay CHR chairman Jose Luis Martin Gascon, ito ay palatandaan ng pagdami ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao kayat kailangan ang mahigpit na pagbabantay at imbestigasyon lalo na at sinisintesiyahan ang tao nang hindi dumadaan sa mga pagdinig upang kunin ang kanilang panig.

Sinabi ng CHR chairman na lahat ng mga suspek ay kinakailangang imbestigahan, litisin, kunin ang panig at may ebidendiya na siyang itinatadhana ng Saligang Batas.

“Nakakabahala sa kasalukuyan, nakikita na natin na may ilang sensyales na pero yung message malinaw na gamitin ang pamantayan na gusto so dumarami na ang mga insidente ng narereport na ang mga suspek nadadampot pagkatapos ng ilang oras o araw, patay na, sa Bulacan, Cebu at iba pang lugar. Sinasabi ito ay drug lord at mga kriminal, nakakabahala ang ganitong senaryo na masamang tao kaya ito nangyari sa kanila, una kahit sinong tao, masama man o mabait kapag sila ay pinaparatangan na may ginawang mali kinakailangan sumailalim sa due process, bago patawan ng kaparusahan may pagdinig muna pagkakataon na maisakdal sa harap ng korte at magpaliwanag at magbigay ng ebidensiya kontra sa paratang.” Pahayag ni Gascon sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon pa sa CHR chairman, ang lahat ay may karapatang magbago matapos na sila ay maparusahan ng naaayon sa batas ng estado at ng Diyos.

“Maraming mga injustices na nangyayari, lahat ng tao dapat binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag kung nagkamali parurusahan sila malinaw yan tayo sa human rights, sa Simbahan hindi natin sinasabi na hayaan lang at walang pananagutan sa krimen dapat sila papanagtuin sa paraang binibigyan natin sila ng pagkakataon, una alamin kung nagkamli sila, magbagong buhay, pangalawa kung sakali makabalik sa lipunan at pagkatapos ng parusa, may tiwala tayo na maari pa silang magbagong buhay,” ayon pa kay Gascon.

Kaugnay nito, sa nakalap na record ni Fr. Amado Picardal- executive secretary ng CBCP-Basic Ecclesial Community, mula 1998 hanggang 2015, nasa 1, 424 katao, kung saan 57 dito mga babae ang sinasabing napaslang ng Davao Death Squad (DDS).

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,380 total views

 6,380 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,696 total views

 14,696 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,428 total views

 33,428 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 49,938 total views

 49,938 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,202 total views

 51,202 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 17,486 total views

 17,486 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 100,335 total views

 100,335 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top