Citizen’s arrest, adbokasiya ng galit at paghihiganti-Bishop Arigo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 384 total views

Adbokasiya ng galit at paghihiganti, sa halip na pagkamit ng katarungan.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa, Palawan Bishop Pedro Arigo, vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care (CBCP-ECPP), ito ang nais ipahiwatig ng bagong administrasyon laban sa mga nagkasala sa batas gaya na lamang ng kautusan sa mamamayan (citizen’s arrest) na maari nilang arestuhin at patayin ang mga pinaghihinalaang kriminal.

Pahayag ni Bishop Arigo, nasa batas ang citizen’s arrest subalit sa sistema ng ‘criminal justice’ sa bansa, may mga kaso ng ‘planted evidences’ at ‘frame-up’ sa mga suspek na dapat ingatan upang hindi maparusahan ang mga inosente.

Dagdag ng obispo, ito rin ang dahilan kung bakit hindi katanggap-tanggap na sinisintensiyahan kaagad ang mga pinaghihinalaan sa halip na litisin o bigyan ng karapatang malitis.

Pahayag pa ni Bishop Arigo, kinakailangan na maitama ang maling nagawa, makapagsisi at makapagbagong-buhay ang mga nagkasala sa batas na layunin ng restorative justice na adbokasiya ng Prison and Pastoral Care.

“May citizen’s arrest naman sa ating Konstitusyon, pero yung abuso, sa ating criminal justice system, daming mga tinatawag na frame-up, may planted evidences na dapat nating pag-ingatan, maganda makita natin na ang problema ng crime and justice ay medyo macrolevel…mabanggit ko ang Prison and Pastoral Care matagal na naming advocacy ang restorative justice, na lumalabas kasi parang sa mga statement ng ating incoming president talagang ang justice isa lang ang ibig sabihin, punitive. Parang hindi na justice parang vengeance na nag-aadvocate ng hatred para dun sa mga law offenders, gayung sa restorative justice ang tingin natin they are still persons to be corrected, to be rehabilitated, yun ang pananaw natin tungkol sa justice system.” Ayon pa kay Bishop Arigo.

Sa panig ng Restorative Justice Ministry ng Simbahang Katolika, maliban sa nagbibigay ng maliit na pinagkakakitaan sa mga bilanggo para sa kanilang pamilya, nagsasagawa din sila ng ‘regular seminars’ para sa kanilang pagbabago ng may dignidad at tuluyang matanggap nila ang kanilang sarili maging ng lipunan.

Base sa nakalap na datos ng Redemptorist priest na si Rev. Fr. Amado Pacardal, dating tagapagsalita ng Coalition Against Summary Executions, mula 2011 hanggang 2015, sa Davao City lamang, nasa 385 ang biktima ng summary executions ng Davao Death Squad (DDS), 39 dito may edad 17 pababa na karamihan ay mga batang lansangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 11,660 total views

 11,660 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 21,024 total views

 21,024 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 47,480 total views

 47,480 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 97,732 total views

 97,732 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 102,463 total views

 102,463 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 74,682 total views

 74,682 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 267,894 total views

 267,894 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top