208 total views
Naiintindihan ni Diocese of Tagbilaran, Bohol Bishop Leonardo Medroso ang pagtataas ng tution fees ng mga paaralan sa bansa.
Ayon kay Bishop Medroso kinakailangan ng ilang mga private schools na taasan ang singil sa bayarin sa paaralan dahil kailangan nilang pantayan ang sweldo na ibinabayad mula sa mga pampublikong paaralan.
“Para sa akin the increase sa private schools especially sa Catholic Schools is very, very important and necessary kasi its for existence, survival because mahirap ngayon because of the increase also of the salary, mga other necessities na kailangan na high price also to survive. We need an increase based on the standard given by the government,” bahagi ng pahayag ni Bishop Medroso sa panayam ng Veritas Patrol.
Tiniyak ni Bishop Medroso na papalawigin pa ng Simbahan lalo na ng mga Catholic Private Schools ang pagbibigay ng scholarship program sa mga mahihirap at karapat–dapat na mga estudyante.
Hinimok rin nito ang ilang mga mananampalataya na may kakayanang tumulong sa mga mahihirap na estudyante na suportahan ang scholarship program ng Simbahan.
“Increase must be there in order for the poor people to come in there is an offer of scholarship. I’m sure our Catholic schools also offer scholarship program and we asked from generous and well to do families to support scholarship,” giit pa ni Bishop Medroso sa Radyo Veritas.
Sa katatapos lamang na Caritas Manila Back to School Telethon 2016 ay nakalikom na ng mahigit 5 milyong piso upang matustusan ang pag–aaral ng 5 libong iskolar ng YSLEP o Youth Servant Leadership and Education Program.
Naniniwala naman si Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad na mapapakinabangan ng mga guro ang pagtataas ng matrikula ng mga pribadong paaralan at unibersidad sa bansa.
Mabigat man ayon kay Bishop Jumoad para sa ilang mga magulang ang tuition increase ay kinakailangan rin nilang maintindihan ang kalagayan ng mga guro sa pribadong paaralan na kumikita lamang ng kakarampot kung ikukumpara sa sahod ng mga public school teachers.
Umaasa naman si Bishop Jumoad na kasabay ng pagtataas ng tution fees ay makapag–bigay ng salary increase ang mga private schools sa kanilang mga empleyadong guro.
Nabatid na inaprubahan na ng DepEd o Department of Education ang nasa mahigit 1,000 mga pribadong paaralan sa elementary at secondary education na magtaas ng kanilang tution fee na sinabayan naman ng pagpapatupad CHED o Commission on Higher Education sa pagtataas ng matrikula at ilang schools fees ng 304 na mga unibersidad sa bansa.
Nauna na rito binanggit ng kanyang kabanalan Francisco na kinakailangan bigyan kahalagahan ang edukasyon na abot–kaya na maglilinang ng kamalayan ng taumbayan sa lipunan.