261 total views
Ipinapakita ng Lazarus Project– isang video social experiment ng Veritas at TV Maria na palagiang bukas ang Simbahan sa lahat ng mga tao maging sa mga makasalanan.
Ayon kay Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas, mensahe ng video ay para ipakita sa bawat isa na ang Diyos ay namatay para sa lahat ng tao at hindi lamang sa mga banal.
Ito ay sa kabila ng paghuhusga ng mga tao, ang Diyos ay laging magpapatawad maging anuman ang kalagayan mo sa lipunan.
“Sa ating experiment, ating nakita na medyo hindi po ganun ka-welcoming ang mga kristiyano Katoliko. Ito po ay ating hangad na ipakita, na we are being reminded specially po ngayong Easter that Christ died for all na ito po yung laman ng homily ni Fr. Anton sapagkat siya po yung Pari doon sa video na ito at na Christ died for all at tanggap po ng Panginoon ang lahat of course Christ diead for everyone at tanggap po ng Panginoon ang lahat of course hindi po ibig sabihin na okay lang magkasala ,na okay lang yung mga maling nagagawa nila, hindi po. Kung hindi ay tanggap sila. Tanggap na may mga taong nagkakasala, God hate the sin, but God love the sinners..,”paliwanag ni Fr. Bellen sa panayam ng programang Barangay Simbayanan.
Watch: Lazarus Project Video
Ang viral video na higit na sa kalahating milyong views ay umani rin ng samu’t saring reaksyon mula sa Netizens na maari ring magpaalala sa publiko ng ating maling pagtingin sa ating kapwa.
Umaasa rin si Fr. Bellen na makalikha pa ng mga ganitong uri ng video production ang simbahan bilang paraan ng pagpapatatag ng ating pananampalataya at pag-unawa sa daan patungo kay Kristo.
“…ang lahat po ng kilos ng simbahan ay para po sa pagsunod sa kalooban ng Diyos na ipahayag ang mabuting balita sa lahat ng dako ng mundo. Kaya even po, itong video na ito na, sad to say ay controversial ang paraan, ito ay para tayo ay magpahayag ng salita ng Diyos kahit po dun sa mga taong ayaw ng magsimba, kahit po dun sa mga tao na pakiramdam nila sila po ay itsapwera sa loob ng simbahan. We would like to be be available and open for them to be able to hear out what the church has to say sa mga ganung sitwasyon at kalagayan.,” ayon pa kay Fr. Bellen.
Sinasaad sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet, mahalagang magamit din ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng internet para ipahayag ang misyon ni Kristo.
Hinikayat din ang mga lider ng simbahan na maging bukas sa paggamit at ang tamang paggamit ng internet at makisalamuha sa mga mananampalataya lalut malaking bahagi na ang social media sa buhay ng mga Filipino.
Base sa internetlivestats.com, higit sa 44 na milyong Filipino ang gumagamit ng internet.