180,471 total views
Nasaan na nga ba ang Pilipinas sa usapin ng pagbabawas sa banta ng nagbabagong klima?
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumausdos sa ika-19 na puwesto mula sa dating ika-12 puwesto sa Climate Change Performance Index. Mula sa dating “high rating”, ang Pilipinas ay “medium performer”na lamang. Itinuturing pa rin ang bansa na top performer sa Southeast Asia, nakaungos pa rin ang bansa sa Thailand, Indonesia at Malaysia.
Tinutukoy Kapanalig sa CCPI ranking ang kahinaan ng Pilipinas sa mga polisiya sa renewable energy, at ang kabuuang policy implementation. 40-porsiyento ng CCPI ranking ay mula sa ginagawa ng pamahalaan upang mabawasan ang greenhouse emissions kung saan tayo ay umiskor lamang ng 29.97-percent na katumbas ng climate foorprint na 2.53-metriko-tolenada kada tao. Kabilang sa 20-percent indicators ng CCPI ranking ay renewable energy, paggamit ng enerhiya at climate policy na nakabase sa global climate goal na maglilimita sa “warming” mababa sa 2’C sa ilalim ng Paris Agreement.
Sinasabi ng CCPI country experts na lumagapak tayo dahil sa kawalan ng “net-zero target, agarang mithiin at pangmatagalang stratehiya., ito’y sa kabila ng pagsusulong sa Carbon Economy Investment Act na makakatulong sa pagbabawas ng greenhouse emissions.
Kapanalig, walang maayos na environmental at social safeguards na ginagawa ang ating pamahalaan sa kasalukuyan. Wala kasing pagkakaperahan, kaya walang kumikilos?
Malaking epekto sa pagbaba ng CCPI ranking ng Pilipinas ang renewable energy projects tulad ng hydropower projects sa Cordillera na banta sa water sources ng komunidad ng mga katutubo at ang ipinagmamalaking “floating solar farms” sa Laguna de Bay na sagabal naman sa kabuhayan ng mga mangingisda.
Ang rekomendasyon ng mga eksperto, kailangang ipatupad ng Pilipinas ang magkakaugnay na hakbang kabilang na ang proteksyon ng tropical forests, pagtalima sa net zero, pag-phase out sa fossil fuels at pagpapatupad ng coal moratorium.
Dito mahihirapan ang gobyerno ng Pilipinas., kapag business interest na ang pinag-uusapan, nangingibabaw na ang kasakiman. Sa Pilipinas, nauuna lagi ang kita at tubo bago ang kapakanan ng bansa lalu ng taumbayan.
Sa encyclical na “Laudato Si’ ni Pope Francis na tinaguriang moral voice ni dating UN secretary-general Ban Ki-Moon at tinawag na important piece of intellectual criticism ng Indian Novelist na si Pankaj Mishra, iginiit ng namayapang Santo Papa na “We need “an integrated approach to combating poverty”, one which “protects nature” while at the same time “restoring dignity to the excluded” (139).
Binibigyan diin ni Pope Francis ang “integral human development,” or development which does not prioritise economic growth and technological progress above all else. While growth is important, the Pope says, we must ensure that it is promoted in tandem with other things of value, including the natural world, human culture, the poor and vulnerable, and animal life.
Sumainyo ang Katotohanan.






