Maging binhi ng kapayaan, sa gitna ng kaguluhan – Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,701 total views

Hinimok ng Santo Papa Leon ang mga mananampalataya na ipanalangin na maging binhi ng kapayapaan, pagkakasundo, at pag-asa ang mga Kristiyanong nabubuhay sa mga lugar na may digmaan, lalo na sa Gitnang Silangan.

Ito ang panalangin ni Pope Leo XIV para sa buwan ng Disyembre, na nakatuon sa mga Kristiyanong namumuhay sa gitna ng kaguluhan at karahasan.

“Let us pray that Christians living in areas of war or conflict, especially in the Middle East, might be seeds of peace, reconciliation, and hope,” bahagi ng pahayag ng Santo Papa.

Ayon sa Vatican, sa kabila ng nagaganap na kaguluhan sa rehiyon, patuloy na pinangangalagaan ng mga Kristiyanong komunidad ang pananampalataya, naglilingkod sa mga mahihirap, at nakikipagtulungan sa iba pang simbahan at relihiyon upang makabuo ng pagkakaunawaan at pagtutulungan.

Sa isang pag—aral, lumalabas na maraming Kristiyano sa Gitnang Silangan ang nasa matinding panganib dahil sa mga digmaan at mahirap na kalagayang panlipunan. Sa kabila nito, nananatili ang kanilang matatag na pananampalataya at patuloy na nagbibigay ng tulong espirituwal at kabutihan sa kapwa.

Ayon pa kay Pope Leo, “unshakable faith even in the midst of rubble.”
Itinuturing ang mga hakbang na ito bilang tanda ng presensya ng Banal na Espiritu, na nagbibigay ng pag-asa sa pinakamadilim na panahon.

“All of these are signs of the presence of that Holy Spirit who, is the source of hope in the darkest times,’’ ayon kay Pope Leo XIV.

Ang panalangin ni Pope Leo para sa mga Kristiyano sa lugar ng tunggalian ay nakatuon sa pagpapalakas ng pananampalataya, pagkakabuklod sa kapwa, at pagiging binhi ng pagkakasundo at kapayapaan, gayundin sa pagbuo ng katarungan at awa sa lipunan.

Hinimok ng Santo Papa na huwag maging manhid sa paghihirap ng kapwa Kristiyano, sa halip ay maging tagapagtaguyod ng pagkakaisa at kapayapaan sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 19,719 total views

 19,719 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 42,871 total views

 42,871 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 112,985 total views

 112,985 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 187,599 total views

 187,599 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 266,276 total views

 266,276 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top