Mananampalataya, hinimok ng Santo Papa na labanan ang “negative fatalism”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,987 total views

Nagbabala si Pope Leo XIV sa lumalalang “kawalan ng pagtitiwala sa buhay” sa gitna ng iba’t ibang suliraning kinahaharap ng tao at lipunan.

Kasabay nito, hinimok ng Santo Papa ang mananampalataya na pag-ibayuhin ang pag-asa at pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Sa kanyang general audience sa Vatican, iginiit ng santo papa na kailangang labanan ang “negative fatalism” at muling kilalanin ang buhay bilang kaloob ng Diyos na dapat pangalagaan at pagyamanin.

“God always stays faithful to his plan of love and life, even when humanity obeys the blind instinct of violence. Without hope, life risks appearing to be a parenthesis between two eternal nights,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binanggit ng santo papa na marami ang nakararanas ngayon ng pangamba at tinitingnan ang buhay hindi bilang biyaya, kundi bilang bagay na dapat pag-ingatan para lamang sa sariling kapakanan.

Dahil dito, hinimok ng santo papa ang mamamayan na buong tapang na ipagpatuloy ang pamumuhay sa kabila ng mga hamong panlipunan, pang-ekonomiya at pangkultural.

Tinukoy rin ni Pope Leo ang patuloy na karahasan, diskriminasyon at iba’t ibang anyo ng pagkaalipin sa mundo, at iginiit na nananatiling tapat ang Diyos sa kanyang planong maghatid ng buhay at pag-ibig sa sangkatauhan.

“Jesus constantly confirms his concern for healing the sick, restoring wounded bodies and spirits, and giving life back to the dead,” aniya.

Sa huli, tinuran ng santo papa na ang muling pagkabuhay ni Hesus ang pinagmumulan ng pag-asa sa gitna ng kaguluhan at kawalang-katiyakan.

Panawagan niya ang pagtitiyaga at muling pagtuklas sa pag-asa na handog ng Panginoon, na “patuloy na dumaraan at kasama natin hanggang wakas ng panahon.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,643 total views

 49,643 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 174,054 total views

 174,054 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 216,324 total views

 216,324 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 294,142 total views

 294,142 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top