Pamumunong naghari-harian, pinuna ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,751 total reads

Binigyang-diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, na ang tunay na diwa ng Kapistahan ng Kristong Hari ay hindi pamumunong naghahari-harian, kundi pamumunong naglilingkod na dapat tularan sa lipunan at pamahalaan.

Sa kanyang mensahe sa Festival of Voices na isinagawa sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine, bilang bahagi ng ika-100 taong pagdiriwang ng Kapistahan ng Kristong Hari, sinabi ng kardinal na ang pagiging Hari ni Kristo ay nakaugat sa pagpapastol at hindi sa kapangyarihan.

“Ito’y pagkalinga, hindi pananamantala sa maliliit. Ito’y pagpapagaling, hindi pananakit. Ito’y paghahanap sa mga naliligaw ng landas, hindi pagtataboy. Ito’y pagbubuklod, hindi pagkakahati-hati. Ito’y paglilingkod, hindi pangalipin,” pahayag ni Cardinal David.

Ayon kay Cardinal David, patuloy na sumisibol ang iba’t ibang anyo ng people power, patunay na buhay ang malasakit ng mamamayan; at sa gitna ng lumalalang katiwalian, ang mga tao mismo ang nagiging “antibodies” na nagpapalakas sa resistensya ng bansa laban sa korupsyon.

Iginiit ng kardinal, mahalaga ang pagbabayani­han upang maibangon muli ang mga demokratikong institusyong winasak ng kultura ng katiwalian, at hindi na rin sapat ang pananampalatayang nananatili lamang sa altar sapagkat ang simbahan ay lumalabas na ngayon sa kalsada.

Mariin ding tinuligsa ni Cardinal David ang mga lider na mapagsamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan na dapat sana’y para sa mga proyektong tunay na naglilingkod sa publiko,

Aniya, kailanman ay hindi dapat maging normal ang katiwalian at na ang transparency, public trust, responsableng pamumuno, at aktibong pakikilahok ng mamamayan ang susi upang mapanatiling buhay ang demokrasya at masugpo ang kasinungalingan.

Sinabi pa ng kardinal na walang sinuman ang likas na masamang tao kahit pa may nagawang pagkakamali, kaya’t hinimok niya ang mga opisyal at indibidwal na magpakatotoo, umamin, magsisi, at harapin ang pananagutan upang makamit ang pagkakasundo at kapayapaan ng bayan.

“Nananawagan ako sa natitirang kabutihan sa inyong kooban, magkusang loob na. Aminin ang dapat aminin. Pagsisihan ang dapat pagsisihan. Pagbayaran ang dapat pagbayaran, magkaroon tayo ng pagkakasundo at kapayapaan sa ating bayan,” saad ni Cardinal David.

Nakatakda naman sa November 30, 2025 ang ikalawang Trillion Peso March sa EDSA bilang pagpapatuloy ng panawagan para sa katapatan at kapayapaan, pangungunahan ng CBCP–Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, at Caritas Philippines, katuwang ang iba’t ibang civil society groups.

Dalangin ni Cardinal David na manaig sa bansa ang pag-ibig, katotohanan, katarungan, liwanag, at ang paghahari ni Kristo sa puso ng bawat Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 59,725 total reads

 59,725 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 108,715 total reads

 108,715 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 156,587 total reads

 156,587 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 260,533 total reads

 260,533 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 343,678 total reads

 343,678 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,812 total reads

 166,812 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top