Constitutional crisis, umiiral na sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 715 total views

Ang hindi pagkakaisa at magkakaibang direksyon ng magkakaibang sangay ng pamahalaan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng Constitutional Crisis.

Ito ang ipinaliwanag ni Atty. Domingo Coyosa, Executive Vice President, Integrated Bar of the Philippines kaugnay sa pagkakaroon ng magkakaibang interpretasyon ng mga Eksperto at mga Opisyal ng pamahalaan sa nilalaman ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Paliwanag ni Atty. Cayosa, dapat na mayroon lamang iisang kaisipan at layunin ang lahat ng sangay ng pamahalaan dahil nag-iisa lamang ang Konstitusyong gumagabay sa ating pamahalaan.

Ayon kay Atty. Cayosa, ang paghaharang o pagpigil ng isang sangay ng pamahalaan na makapagsagawa ng kanilang mandato ang iba pang sangay ng pamahalaan ay nangangahulugan ng Constitutional Crisis para sa bansa.

“Constitutional crisis yung magkakaibang sangay ng gobyerno hindi iisa ang kanilang kaisipan at direksyon kasi iisa lang naman po ang ating Republika ng Pilipinas, iisa ang gobyerno, iisa ang ating Konstitusyon so kung tingin nung kabila ‘wala, hindi tama yan at illegal’ they can enact laws, they can block, they can make it difficult for the other Branches of Government to operate and that is already a Constitutional Crisis…” pahayag ni Atty. Coyosa sa panayam sa Radyo Veritas.

Bunsod ng pagkabahala sa magkakasalungat na interpretasyon ng mga Eksperto sa Saligang Batas, nagpalabas si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng Circular Letter upang tugunan ng simbahan ang umiiral na Crisis of Truth sa bansa.

Nasasaad sa Article 11 ng 1987 Constitution na Kapanagutan ng mga Pinunong Bayan o Accountability of Public Officers na maari lamang mapatalsik ang mga miyembro ng Supreme Court at iba pang Impeachable Officials sa pamamagitan ng Impeachment na magsisimula sa Mababang Kapulungan at aakyat sa Senado.

Kaugnay nito, ngayong araw ika-31 ng Mayo ay ang huling araw sa naging panawagan ni Cardinal Tagle noong Pentecost Sunday na “Feasts of Truth and Love” na 12-araw na paggunita sa pagbibigay halaga upang maisulong ang paninindigan para sa katotohanan at katarungan na hinahangad ng bawat isa para sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 72,820 total views

 72,820 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 94,930 total views

 94,930 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 170,266 total views

 170,266 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 168,883 total views

 168,883 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top