Mananampalataya, hinimok na maging tagapagtaguyod ng kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,070 total reads

Hinimok ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa pag-asa at maging tagapagtaguyod ng kapayapaan sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Obispo na ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ay paalala na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang lahat sa kabila ng mga pagsubok, digmaan, at tukso sa buhay.

Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring co-chairman ng Pax Christi International, hindi dapat na panghinaan ng loo bang sinumann sapagkat kaakibat ng muling pagkabuhay ni Hesus ang panibagong pag-asa at kaligtasan para sa sangkatauhan.

“Easter reminds us: never despair. Even amid trials, wars, and temptations, we hold fast to the promise that God’s love endures. The peace of Christ is not defeated by violence; it persists, transforms, and ultimately triumphs.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng Obispo, ang kapayapaan ni Kristo ay nananatili at hindi magagapi ng anumang karahasan, sa halip ay patuloy na nagbabago at nagtatagumpay sa kabila ng kaguluhan nagaganap sa mundo.

Giit ni Bishop Bagaforo, ang bawat isa ay tinatawagan upang maging tagapag-sulong ng kapayapaan at iwaksi ang anumang uri ng karahasan at armadong sagupaan na nag-aalis ng kapayapaan at katarungan sa daigdig.
Hinikayat ng Obispo ang lahat na maging aktibong tagapagtaguyod ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagtanggi sa karahasan at pagtanggap sa landas ng katarungan at pagkakapantay-pantay.

“In this hope, we commit ourselves to be active peacemakers-rejecting violence, embracing nonviolence, and working tirelessly for a world where justice and peace embrace.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Samantala, umaasa rin si Bishop Bagaforo na ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ay magsilbing daan upang mapalalim ang pananampalataya, mapatatag ang pag-asa, at mahikayat ang bawat isa na maging saksi ng pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan.

“May this Easter renew our faith, strengthen our hope, and send us forth as witnesses of Love, builders of Just Peace, and faithful stewards of God’s creation. Alleluia!” Ayon pa kay Bishop Bagaforo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,143 total reads

 226,143 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,874 total reads

 257,874 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,698 total reads

 359,698 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,260 total reads

 400,260 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,755 total reads

 411,755 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top