Military Ordinariate, nagbigay pugay sa sandatahang lakas ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,058 total views

Binigyang pugay ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kawani ng iba’t ibang pwersa ng pamahalaan na patuloy na nagsusumikap na isakatuparan ang kanilang mandato sa kabila ng krisis na kinahaharap hindi lamang ng lipunan kundi ng daigdig.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo kaugnay sa patuloy na paggunita sa diwa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.

Ayon kay Bishop Florencio, ang diwa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ay hindi lamang pagdiriwang kundi isang misyon na ipinagkakatiwala sa bawat mananampalataya, lalo na sa mga naglilingkod upang pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan.

Kinilala rin ng Obispo ang sakripisyo at katapangan ng mga men and women in uniform sa gitna ng iba’t ibang hamon tulad ng kaguluhan at kawalan ng katiyakan sa lipunan.

“Amid the ongoing crises that confront our nation and the world; uncertainties, conflicts, and the burdens of duty- you stand as sentinels of peace and stability. Your vigilance in the face of danger, your discipline in times of uncertainty, and your courage under pressure reflect a deeper truth: that even in the darkest hours, God is at work through faithful servants.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Florencio.

Nagbigay-pugay din ang Obispo sa mga pamilya ng mga kawani ng iba’t ibang pwersa ng pamahalaan na tahimik na sumusuporta at nakikibahagi sa kanilang misyon upang tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

“To your families; with your silent strength and constant support, you share in this mission. Your sacrifices, prayers, and love sustain those in uniform as they carry out their noble calling.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Paliwanag pa ni Bishop Florencio, hindi dapat na mawalan ng pag-asa ang sinuman sa kabila ng mga krisis at pagsubok sa buhay sapagkat ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ay patunay ng tagumpay ng buhay laban sa kamatayan, pag-asa laban sa kawalan ng katiyakan, at liwanag laban sa anumang banta ng kadiliman.

“Easter reminds us that sacrifice is never in vain. Just as Christ remained steadfast in His mission despite suffering, so too are you called to remain firm in your duty, alert in your responsibilities, yet anchored in faith. Your service is not only a profession; it is a vocation that participates in God’s work of preserving life, justice, and peace.” Ayon pa kay Bishop Florencio.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Florencio na patuloy na patatagin ng Muling Nabuhay na si Kristo ang pananampalataya ng lahat at gabayan ang kanilang paglilingkod para sa kapakanan ng bayan.

Hinimok din ng Obispo ang lahat na magpatuloy bilang mga saksi ng Muling Pagkabuhay ni Hesus na may matatag na pananampalataya, tapat sa tungkulin, at puspos ng pag-asa.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa ng paggabay sa buhay espiritwal ng mga men and women in uniform mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 6,986 total views

 6,986 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 34,991 total views

 34,991 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,791 total views

 52,791 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 52,505 total views

 52,505 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,661 total views

 164,661 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 15,325 total views

 15,325 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top