Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Crypt ni Cardinal Sin sa Manila cathedral, bubuksan sa publiko

SHARE THE TRUTH

 13,326 total views

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, bubuksan ng Manila Cathedral sa publiko ang crypt kung saan nakahimlay si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa February 25, 2026.

Sa pahayag ng pamunuan ng dambana, layunin nitong bigyang pagkakataon ang mga nais magbigay-pugay sa kardinal na kinikilalang isa sa mga pangunahing personalidad sa mapayapang pag-aaklas noong 1986.

“On February 25, 2026, the 40th anniversary of the EDSA People Power Revolution, we will open to the public the crypt of the Manila Cathedral for those who may want to pay their respects to Jaime L. Cardinal Sin, our former archbishop, who played a major part in the restoration of our democracy in 1986. May our love for country be manifested in our continued pursuit of truth, justice, and peace,” ayon sa Manila Cathedral.

Matatandaang noong gabi ng February 22, 1986, nanawagan si Cardinal Sin sa pamamagitan ng Radio Veritas upang himukin ang mamamayan na magtungo sa EDSA at suportahan ang mga opisyal ng militar na kumalas sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang panawagang ito ang naging mitsa ng apat na araw na makasaysayang pagtitipon ng mamamayan sa EDSA, kung saan hinarap ng libu-libong Pilipino ang mga sundalo at tangke sa pamamagitan ng panalangin at rosaryo, isang pagkilos na nagbunsod sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa.

Pumanaw si Cardinal Sin noong 2005 matapos ang matagal na karamdaman at kasalukuyang nakahimlay sa crypt ng Manila Cathedral.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang edukasyon ay hindi eksperimento

 21,716 total views

 21,716 total views Mga Kapanalig, may mungkahi ang Department of Education (o DepEd) na gawing trimester ang school year 2026-2027 mula sa nakagawiang apat na quarters. 

Read More »

Sa malao’t madali

 38,715 total views

 38,715 total views Mga Kapanalig, susunod kaya sa The Hague ang mga pinakamasunuring tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte? Pinangalanan ng International Criminal Court (o ICC)

Read More »

COMPROMISED SYSTEM OF JUSTICE

 65,697 total views

 65,697 total views Only in the Philippines! Sa ating bansa, madalas na nako-kompromiso ang hustisya. Sa Ehekutibo, sa Kongreso at Hudikatura normal na ang “compromised justice

Read More »

Ang hamon ng Kuwaresma at Ramadan

 221,072 total views

 221,072 total views Mga Kapanalig, sa pambihirang pagkakataon, sabay na inuumpisahan ng mga Katoliko at Muslim ang mahahalagang panahon sa kanilang buhay-pananampalataya.  Sa araw na ito,

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES