48,354 total views

Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng kampanya at eleksyon.

Ilang araw bago ang halalan, may kumalat sa social media na larawan ng dalawang pahinang sulat na pinalalabas na ineendorso ng mga obispo, sa pangunguna ni CBCP President Cardinal Ambo David, ang ilang kandidato sa pagkasenador. Karamihan sa kanila ay mula sa alyansang binuo ng kampo ni dating Pangulong Duterte at iba pang partido pulitikal. Para magmukha itong totoo, nakalagay ang sulat sa papel na may opisyal na letterhead at logo ng CBCP. 

Agad itong pinabulaanan ng CBCP at ng Diosesis ng Kalookan. Una sa lahat, hindi kailanman partisan ang Simbahan Katolika. Bilang isang institusyon, hindi ito dapat mag-endorso ng mga kandidato sa eleksyon. Iniiwan nito ang pagpapasya sa mga mananampalataya. Binibigyan lamang sila ng mga gabay sa pagpili ng kanilang iboboto. Ang mga prinsipyong ito ay nakabatay sa Banal na Kasulatan, sa mga Ebanghelyo, at sa mga panlipunang turo ng Santa Iglesia. Inuudyukan ang mga botanteng mananampalataya na laging isaalang-alang ang kabutihang panlahat o common good at ang dignidad at kapakanan ng tao. Naniniwala ang ating Simbahan na ang pagboto nang tama ay isang konkretong paraan ng pakikiisa natin sa pagtataguyod ng isang bayang patas, makatarungan, at mapayapa. Ang mga ito sana ang gumabay sa inyo, mga Kapanalig, noong nakaraang eleksyon.

Banta sa pulitikang nakasentro sa tao ang fake news.

Hindi maikakailang malaki ang impluwensya ng fake news sa ating pulitika ngayon, at kitang-kita natin ito noong huling eleksyon. Nakalulungkot na marami sa atin ang kulang ang kaalaman at kakayahang alamin kung totoo o hindi ang mga nababasa natin sa social media. Kapag nai-share natin ang mga ito, nagiging instrumento pa tayo ng panloloko sa ating kapwa. Sa mga susunod na panahon, asahan nating magiging mas mahirap suriin kung peke o hindi ang ating mga nababasa natin sa social media, lalo na’t mas gumagaling ang artificial intelligence (o AI). Magiging hamon din ito dahil marami sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kabataan, ang limitado ang tinatawag na reading comprehension o hindi lubos na nauunawaan ang mga nababasa. 

Sa ibang bansa, itinuturing na cyber terrorists ang mga nagpapakalat ng fake news. Ito ang gustong sundan ng ating gobyerno, ayon sa Presidential Communications Office (o PCO). Para na nga raw salot ang misinformation at disinformation sa ating bansa. Andaming naloloko. Andaming napapaniwala. Andaming nauuto. Bago pa man umalma ang mga nangangambang baka mauwi ang planong ito ng PCO sa pagsupil sa ating kalaayang magpahayag, nilinaw ng ahensya na pinag-iisapang gamitin ang terminong cyber terrorist sa mga nagpapakalat ng fake news na may epekto sa pambansang seguridad at iba pang malalaking isyu sa bansa. Halimbawa nito ang mga fake news na may kinalaman sa eleksyon.

Dapat lamang na nakasandig ang eleksyon—at ang ating pulitika mismo—sa katotohanan. Kung mga kasinungalingan at panloloko ang nakaiimpluwensya sa pagpili natin ng ating mga lider, wala tayong maaasahang tapat na gobyerno. Kung naniniwala tayo sa fake news at ikinakalat pa ang mga ito, mawawalan tayo ng tiwala sa demokrasya. Tatanggapin na lang natin na ang pulitika ay agawan ng kapangyarihan sa halip na paggamit ng kapangyarihan para sa kabutihan at kaunlaran ng taumbayan. 

Mga Kapanalig, cyber terrorists man ang itawag sa mga nagpapakalat ng fake news o iba pang termino, sa huli, nasa mga kamay natin bilang mga mamamayan ang pagiging mapanuri at mapagkilatis sa mga nababasa natin sa social media. Huwag tayong matulad sa Israel noong panahon ni propetang Jeremias na “nandaraya sa [kanilang] kapwa [at] walang nagsasabi ng katotohanan.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,908 total views

 12,908 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,552 total views

 27,552 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,854 total views

 41,854 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,558 total views

 58,558 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,458 total views

 104,458 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,909 total views

 12,909 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 27,553 total views

 27,553 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,855 total views

 41,855 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 58,560 total views

 58,559 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top