14,264 total views
Nananawagan ng tulong ang Nuestra Señora de Salvacion Parish sa Sta. Mesa, Manila para sa mga pamilyang naapektuhan ng malaking sunog sa Road 12, Anonas St., Brgy. 628, Sta. Mesa noong hapon ng May 19.
Tinatayang 217 pamilya ang labis na naaapektuhan ng sunog at nawalan ng tahanan, ari-arian, at kabuhayan.
“We kindly ask for your help during this difficult time. Any donation, big or small, can bring hope and support to those affected,” panawagan ng parokya.
Pangunahing pangangailangan ng mga biktima ang pagkain, tubig, gatas, asukal, kape, at medical supplies.
Sa mga nais magbahagi ng tulong, maaaring dalhin ang in-kind donations sa tanggapan ng parokya sa Anonas St. cor. Hipodromo St., NDC Compound, Sta. Mesa, Manila.
Para naman sa cash donations, maaari itong ipadala sa BPI Account na RCAM – Nuestra Señora de Salvacion sa 5571-0612-03 o sa GCash Account na John Patrick Calimlim sa 0917-520-3788.
Paalala ng simbahan sa publiko na mag-ingat laban sa mga kahina-hinalang indibidwal na maaaring manamantala upang makapanlinlang ng kapwa sa ngalan ng simbahan at ang nangyaring trahedya.(