Opisyal ng CWS, dismayado sa pagkasilaw ng kapwa Pari sa panunuhol ng mga pulitiko

SHARE THE TRUTH

 11,027 total views

Ipinaalala ng Church People Workers Solidarity sa mga pastol ng Simbahang Katolika na huwag tatanggap ng anumang suhol mula sa mga pulitiko.

Ayon kay Father Noel Gatchalian – chairman ng CWS National Capital Region, apektado ang pagpapastol ng pari tungo sa tamang landas ng mananampalataya kung ito ay tumatanggap ng suhol sa mga pulitiko na naging daan ng korapsyon sa loob ng simbahan.

“Pero kung nakikita mo naman yung mga pari nagpapadala, dahil yung mga pulitiko doon binibigyan sila ng libreng ganito, may mga regalong sasakyan tapos yung mga programs nila na tinutulungan unang-una dapat ang ating mga Pari ay dapat hindi masilaw sa panunuhol ng mga pulitiko,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Gatchalian.

Ikinalulungkot ni Father Gatchalian na marami sa kapwa niya pari ay nasisilaw sa panunuhol ng mga pulitiko at pagsuporta ng mga ito sa programa ng parokya.

Sinabi ng Pari na bilang mga lingkod ng simbahan ay hindi dapat naapektuhan ng mga pulitiko ang kanilang pananaw para wastong magabayan ang mga mananampalataya sa pagninilay sa karapat-dapat na ihalal.

Tiwala si Father Gatchalian na sa pamamagitan ng pagtuligsa at pagpapahinto sa kultura ng panunuhol ay mabubuwag na ang mga political dynasties na matagal ng pinapahirapan ang mamamayan.

“Dapat maliwanag na yung mga manggagawa o yung mga totoong nangangailangan ang inuuna, yun ang sinasabi ko sa inyo kasi ang napapansin ko ay yan, medyo nadi-discourage yung iba na nais mamuno kasi yung mga namumuno ngayon kulang sa kanila ang tunay na desisyon pero mayroon paring mga ibang mga pari na talagang makikita mo nilalabanan nila ang katiwalian,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Gatchalian.

Una ng kinundena ni Pope Francis ang laganap na korapsyon sa Pilipinas sa kaniyang naging Papal Visit noong 2015.

Sa Corruption Perception Index noong 2024, natanggap ng Pilipinas ang mababang grado ng 33 out of 100 na nangangahulugang bagamat sa pagpapatuloy ng mga paglaban sa korapsyon ay madami paring insidente nito ang nararanasan sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,593 total views

 13,593 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,237 total views

 28,237 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,539 total views

 42,539 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,241 total views

 59,241 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 105,035 total views

 105,035 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

YSLEP, kinilala ng MOP

 2,504 total views

 2,504 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top