Pagkakasundo ni PBBM at VP Duterte, nararapat nakatuon sa kabutihan ng lahat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,596 total reads

Malugod na tinanggap ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bukas siyang makipagkasundo sa pamilya Duterte—sa kabila ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang kampo.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive director ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, mabuti ang pagkakaisa at pagkakasundo ng mga pinuno ng bansa, ngunit dapat itong nakatuon sa kabutihang panlahat.

Unity and reconciliation are always good for our country,” ayon sa pahayag ni Fr. Secillano.

Giit ng pari, kung handa ang Pangulo na makipagkasundo, dapat itong isaalang-alang din ng kampo ng mga Duterte para sa kapakanan ng buong bansa at ng mga Pilipino.

“The desire, though, should be motivated by the common good. If the President is offering them to the Duterte’s, the latter’s camp should consider it if only for the good and benefit of our country and the Filipinos,” dagdag pa ng pari.

Matatandaang nagsimula ang hidwaan ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa noong Enero 2024.

Sa kasalukuyan si Vice President Sara Duterte ay inaasahang haharap sa impeachment trial sa Senado sa akusasyon na may kinalaman sa sinasabing paglabag sa saligang batas at iba pang mga alegasyon ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Makailang ulit na namang itinanggi ng Pangulong Marcos na hindi niya sinusuportahan ang impeachment laban sa dating kaalyado sa pulitika.

Matapos ang halalan nitong 2025, nanalo ang karamihan sa mga kandidato Marcos camp habang ilang kaalyado ng mga Duterte ang hindi nagtagumpay.

Sa kabila nito, nagpahayag si Pangulong Marcos ng kahandaang makipag-usap at makipag-ayos para sa ikabubuti ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 1,080 total reads

 1,080 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 35,760 total reads

 35,760 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 69,142 total reads

 69,142 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 105,625 total reads

 105,625 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 123,783 total reads

 123,783 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top