Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,301 total views

Bantayan natin, kapanalig, ang galaw ng ating mga kabataan sa Internet. Ang mga gadgets na ang kanilang pangunahing kasama ngayon, at hindi natin namamalayan na minsan, ang ating mga anak ay instigador na o biktima ng cyberbullying. Maraming mga bata na nasa murang edad pa lamang, mga nasa grade school pa lamang, ay nabibiktima na ng cyberbullying, at nambibiktima na rin ng iba pa nilang kasama online.

Ano ba ang cyberbullying?

Ayon sa UNICEF, ang cyberbullying ay ang pambubully gamit ang digital technologies. Nangyayari ito sa social media, sa mga messaging platforms, pati sa mga games na nilalaro ng mga bata ngayon online. Paulit-ulit na ginagawa ito ng mga bullies – minsan nanakot sila, minsan nanghihiya o nangpapahiya sila, minsan, pino-provoke nila na magalit ang mga biktima nila. Ang hirap tugunan ito minsan dahil unang una mabilis ito gawin sa Internet, at gamit pa ang kanilang personal na gadgets. Kung hindi natin tutukan, laging mangyayari ito at mabibigla na lamang tayo na malaki na pala ang epekto sa mental health ng mga kabataan.

Sabi nga ng UNICEF, isa sa tatlong kabataan sa 30 na bansa ang nagsasabing biktima sila ng cyberbullying. May isa sa lima sa 30 bansa ang nagsasabing nag-aabsent na lang sila sa school dahil sa cyberbullying at karahasan. Dito naman sa ating bansa, halos kalahati ng mga kabataan mag edad 13-17 ang naapektuhan ng cyberviolence. Verbal abuse at sexual messages ang ilan sa mga uri ng cyberviolence na nararanasan ng ating mga kabataan ngayon online.

Sa mga nasa mas murang edad naman, marami na sa kanila ay nagmumura na online, kahit hindi pa nila nauunawaan ang mga kahulugan ng mga salitang ito. May mga bata na nasa elementarya pa lamang na gumagamit na marahas na salita laban sa kanilang mga kaklase o kaibigan o kasama online.

Kapanalig, nawala na ang virtue ng “kindness” pati ang halaga ng golden rule na “don’t do to others what you don’t want to be done to you” sa Internet at sa mga bata ngayon. Para bang okay na lamang kahit magbitaw tayo ng napakasakit ng salita, kahit bata pa o matanda, tutal online lang naman at hindi harapan. Pero kapanalig, ang cyberbullying ay may cyber footprint, at ang ating sinabi o ginawa ay mas mabilis makaabot sa napakaraming tao at maging viral. At kahit pa walang makabasa o makakita nito, ang epekto nito sa biktima ay malalim—profound—at maaring long-term.

Si Pope Francis ay may video message ukol sa cyberbullying. Dinggin natin siya: Declare war on bullying, because it diminishes dignity, and stand up for dialogue; walking together, with patience of listening to the other. The peace will then be strong, and that same strong peace will let you discover your own dignity.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 6,489 total views

 6,489 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 30,805 total views

 30,805 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 66,595 total views

 66,595 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 108,395 total views

 108,395 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 161,232 total views

 161,232 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Itigil ang pagdanak ng dugo

 6,490 total views

 6,490 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 30,806 total views

 30,806 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 66,596 total views

 66,596 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 108,396 total views

 108,396 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »
Scroll to Top