VeritasPH

The Word, The Truth

 268 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Panahon ng Kapaskuhan, Ika-5 ng Enero 2023, Juan 1:43-51

Ang bilis naman yata ng pagbabago ng tono ni Nataniel sa ebanghelyo. Kasasabi pa lang niya na “hindi siya bilib”; meron daw bang magaling o mabuti na pwedeng manggaling sa liblib na barangay ng Nazareth? Ngayon hindi lang siya magbabago at “bibilib”; aba bigla ba namang magpapahayag ng pananampalataya kay Hesus bilang ANAK NG DIYOS AT HARI NG ISRAEL?

Sa sumikat na American TV series tungkol sa buhay at misyon ni Jesus, ang THE CHOSEN, para ipaliwanag ang pagbabago ng disposisyon ni Nataniel, nag-“reading between-the-lines” ang script-writer ni Dallas Jenkins. Pinakilala niya si Nataniel bilang isang trying-hard na apprentice sa Roman architecture at engineering.

Dahil mahusay siyang gumuhit, medyo sumobra nang kaunti ang pagkabilib niya sa sarili, nag-alok ba naman siya ng serbisyo na ipagtayo ng isang Roman-style na bahay ang isang kliyente. Ang ganda naman talaga ng disenyo niya sa papel. Pero nang itayo na ang bahay, dahil mali ang kalkulasyon, nang halos nabubuo na ang balangkas biglang ba naman itong nag-collapse at nadisgrasya pati mga construction workers.

Sira ang repustasyon niya at mabigat pa ang konsensya niya kaya nag-suffer ng depression at sa ilalim ng isang fig tree, nagreklamo siya sa Diyos, naghinga siya ng sama ng loob sa Panginoon—bakit daw niya hinayaang mangyari iyon, gayong nagdarasal naman siya at wala namang inaagrabyadong tao sa buhay niya. Nagbabalak na siyang mag-suicide at tinitingnan na niya ang sanga na pagtatalian niya ng pambigti ng sarili niya sa ilalim ng fig tree, pero hindi niya magawa. Parang di niya maituloy ang maitim na balak niya. Kaya umuwi na lang siya at naglasing.

Noon naman siya matatagpuan ni Philip sa bahay, may hang-over pa mula sa magdamag na paglalasing. Kaya nang sabihan siya ni Philip na natagpuan na nito ang Mesiyas kay Jesus na anak ni Joseph na taga-Nazareth, malamig atmay pagka-sarcastic ang reaksyon niya. Di niya alam na nandoon na mismo sa may bukana ng pintuan ang Jesus na ibig ipakilala ni Philip sa kanya. Baka nga narinig pa nito ang panlalait na lumabas sa bibig ni Nataniel, “Meron daw bang mabuting pwedeng manggaling sa Nazareth.”

Laking gulat tuloy niya nang pumasok sa eksena si Jesus at sinabi, “Heto ang tunay na Israelita; walang kaplastikan.” At mabilis namang sasagot si Nataniel, “Magkakilala ba tayo?” At ang simpleng sagot ni Jesus ay “Bago ka nakita ni Philip nakita na kita sa ilalim ng fig tree.”

Napanganga sa pagkabigla si Nataniel. Ni hindi niya mabigkas ang tanong sa loob-loob niya, “Paano mo nalaman?” Tuloy napaluhod siguro siya at “Ikaw ang Anak ng Diyos; ikaw ang hari ng Israel.” At si Jesus naman ay nakangiti, habang sinabing, “Iyon lang, bilib ka na? Dahil sinabi kong nakita kita sa ilalim ng fig tree? Mas higit pa diyan ang makikita mo. Bubukas ang langit sa iyo at makikita mong pumapanhik at pumapanaog ang mga anghel sa Anak ng Tao.”

Parang naulit kasi kay Nataniel ang panaginip ni Jacob (Genesis 28). Kaya lang imbes na hagdan ang makikita, si Jesus. Siya mismo ang magsisilbing tagapag-ugnay ng langit at lupa. Kung paanong binago ng karanasang iyon ang pagkatao ni Jacob mula sa pagiging mandaraya tungo sa pagiging totoo at matapat, ganoon din ang mangyayari kay Nataniel.

Ang yumaong titser ko sa Pilosopiya, si Fr. Roque Ferriols ang lumikha ng salita para sa ganyang klaseng karanasan: “ANG BULAGANG HETO AKO”.

Totoong sa buhay ng tao, paminsan minsan, parang binubulaga tayo ng Diyos na hinahanap natin. Iyong akala mo malayo siya, walang pakialam, walang naririnig. Iyong akala mo wala siya, nariyan lang pala. Nang walang pasa-pasabi, biglang lilitaw na pabulaga at magsasabing, HETO AKO.

Epiphania ang tawag ng mga Griyego sa ganyang karanasan ng pagpapamalas ng Diyos sa tao. Kung may Nataniel sa simula ng ebanghelyo ni Juan, mayroon ding Tomas sa dulo ng ebanghelyo niya—iyung alagad na nagsabing “Hangga’t di ko mahaplos ang mga sugat niya at maisuot ang mga daliri ko sa tagiliran niya, hind ako maniniwala.” Kaya binulaga rin siya at napaluhod at nagsabing, “Panginoon ko, Diyos ko!”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 3,361 total views

 3,361 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 9,118 total views

 9,118 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 16,381 total views

 16,381 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 24,366 total views

 24,366 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,902 total views

 31,902 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 453 total views

 453 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 456 total views

 456 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,211 total views

 3,211 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,626 total views

 7,626 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,952 total views

 2,952 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,475 total views

 3,475 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,974 total views

 4,974 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,818 total views

 5,818 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,073 total views

 4,073 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,286 total views

 8,286 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,519 total views

 7,519 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,729 total views

 11,729 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,177 total views

 5,177 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,181 total views

 5,181 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,181 total views

 5,181 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top