Internal cleansing sa PNP, suportado ng isang opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,811 total reads

Nagpahayag ng suporta ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa isinasagawang internal cleansing ng pamahalaan sa hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace, maituturing na isang welcome development ang hamon ni DILG Secretary Benhur Abalos sa mahigit 956-matataas na opisyal ng PNP na maghain ng courtesy resignation.

Tiwala ang Obispo na ito ay unang hakbang upang malinis ang hanay ng PNP mula sa malalim na problema ng ilegal na droga sa loob mismo ng ahensya.

Inaasahan ng Obispo na maging positibo ang resulta ng hakbang para sa ikabubuti ng bawat mamamayan partikular na ang mga biktima ng ilegal na droga at drug trafficking, gayundin ang mga mabubuting kawani ng ahensya.

“A welcome move and praying for positive result for the sake of our good, committed men & women in uniform, the victims and their families of drug trafficking, and the common good,” mensahe ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Ang hamon ni Abalos sa mga opisyal ng PNP ay bahagi ng planong internal cleansing sa ahensya kung saan isang komite na may limang miyembro ang binuo para mangasiwa sa pagsusuri at mag-iimbestiga sa mga record ng mga coronel at general na magsusumite ng kanilang courtesy resignation.

Nilinaw naman ng kahilim na habang isinasagawa ang imbestigasyon ay mananatili pa rin sa kanilang posisyon ang mga opisyal na magpapasa ng kanilang courtesy resignation hanggang sa ika-31 ng enero 2023.

Samantala, mismong si PNP Chief Rodolfo Azurin ang naunang tumugon sa hamon na maghain ng courtesy resignation.

Sa datos na ibinahagi ni DILG Secretary Abalos, sa loob ng halos anim na buwan ng kasalukuyang administrasyong Marcos ay umaabot na sa humigit kumulang 10-bilyong pisong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska habang nasa 30,000 naman ang naaresto mula sa isinagawang 24,000 police operation sa buong bansa.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 6,964 total reads

 6,964 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 18,977 total reads

 18,977 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 90,946 total reads

 90,946 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 177,447 total reads

 177,447 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 220,481 total reads

 220,481 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 269,340 total reads

 269,340 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 6,965 total reads

 6,965 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top