Nagsilikas na residente sa Lanao del Norte, nakauwi na sa kani-kanilang tahanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,519 total views

Ligtas at nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas na residente mula sa anim na bayan sa lalawigan ng Lanao del Norte.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Iligan Diocesan Disaster Risk Reduction and Management Director Fr. Jonald Apa-on, nagsagawa ng pagpupulong ang mga kura paroko ng mga apektadong parokya kasama si Bishop Joey Rapadas III upang pag-usapan ang gagawing pagtugon at pagtulong sa mga apektadong pamilya.

“So far po, ‘yung mga pamilya na nasa evacuation centers po ay nakauwi na. At nagkaroon din po kami ng meeting kasama ang mga kura paroko doon sa Lanao del Norte na affected ng pagbaha ang anim na parokya,” ayon kay Fr. Apa-on.

Patuloy naman ang Diyosesis ng Iligan sa pamamahagi ng mga paunang tulong para sa mga lubos na naapektuhan ng sama ng panahon.

Panawagan naman ng diyosesis ang pananalangin para sa kaligtasan ng mga lubos na apektadong residente, gayundin na muling makamtan ang pag-asa sa kabila ng kinakaharap na pagsubok.

Batay sa tala ng Lanao del Norte Provincial Risk Reduction and Management Council, umabot sa 3,119 pamilya o 12,264 indibidwal ang lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng malakas na pag-uulang sanhi ng low pressure area.

Nauna nang naitala sa lalawigan ang tatlong nasawi, habang tatlo rin ang bilang ng mga naiulat na nasaktan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 3,561 total views

 3,560 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 27,877 total views

 27,876 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 63,667 total views

 63,666 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 105,515 total views

 105,514 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 158,603 total views

 158,602 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top