Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dagdag-pasanin sa sektor ng pampublikong transportasyon

SHARE THE TRUTH

 227 total views

Mga Kapanalig, sa utos na rin ng gobernador ng lalawigan ng Cebu, obligado na ang lahat ng mga driver at konduktor ng mga public utility vehicles (o PUVs) na magkaroon ng sariling air purifiers, isang device o gadyet na isinusuot na parang kuwintas at diumano ay naglalabas ng negative ions upang salagin ang mga air pollutants. Sa ilalim ng patakarang ito, ang lahat ng mga tsuper at konduktor ng pampublikong transportasyon ay dapat magsuot ng sariling air purifiers sa buong oras ng kanilang biyahe. Katulad ng inaasahan, maraming PUV drivers ang hindi nakabili kaya’t hindi nakabiyahe noong Agosto 16, ang unang araw ng pagpapatupad ng bagong patakaran.

Hindi inirerekomenda ng DOH ang mga air purifiers dahil sa kawalan ng ebidensyang nakapagbibigay ito ng proteksyon laban sa COVID-19 virus. Ayon sa tagapagsalita ng kagawaran, magdudulot ang paggamit nito ng false sense of security o ng maling kapanatagang kaya nitong proteksyunan ang isang tao laban sa kumakalat pa ring sakit. Nakabatay ang pahayag na ito ng DOH sa rekomendasyon ng Institute of Clinical Epidemiology sa Philippine COVID-19 Clinical Practice Guidelines na hindi sinasangayunan ang paggamit ng mga ionizing air purifiers.

Maliban sa hindi pa napatutunayan sa mga pag-aaral ang bisa ng mga de-kuwintas na air purifier laban sa coronavirus, magastos at hindi rin praktikal para sa mga tsuper ang gadyet na nagkakahalaga ng limandaan hanggang dalawang libong piso. Kailangan pa itong i-charge kaya gastos din sa kuryente. Para sa isang tsuper ng dyip na kumikita lamang ng 300 piso kada araw, ang halaga ng isang air purifier ay maituturing nang pantustos sa pangangailan ng pamilya. Sa kabila ng lahat ng ito, iginiit at idinepensa pa rin ng gobernador ng Cebu na magsisilbing karagdagang proteksyon ang air purifier laban sa virus.

Noong nakaraang taon, matatandaang ipinilit din ang paggamit ng takaw-aksidenteng plastic barrier sa mga motorsiklo upang maiwasan daw ang pagkakahawaan ng virus sa pagitan ng drayber at kanyang angkas. Ang patakarang iyon at bagong patakaran sa Cebu ay walang scientifc basis—hindi nakabatay sa siyensya. Hindi rin sila pinag-aralang maigi bago ipatupad lalo na’t dagdag-gastos ito sa mga gagamit. Para nga sa grupo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (o PISTON), dagdag-pahirap pa ito sa mga drivers at operators. Hindi nga ba’t dapat na inaalam munang maigi ng mga kinauukalan ang mga maaaring idulot na benepisyo at kapahamakan ng isang patakaran?

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pagdedesisyong may kinalaman sa pagbuo ng mga patakaran ay dapat nakabatay sa masinop na pagtitimbang sa mga maaaring panganib at benepisyong idulot ng mga ito. Mahalaga rin sa pagdedesisyon ang pagsasaalang-alang sa kaalamang nakabatay sa mapagkakatiwalaang datos at siyensya. Mahalagang ang ating mga lider ay naghahanap ng tunay, epektibo, at pangmatagalang solusyon sa krisis na kinakaharap natin ngayon dahil sila ang may pangunahing responsibilidad na tulungan ang mga sektor na nagpupursiging ibangon ang kanilang mga sarili at pamilya sa epekto ng pandemya.

Mga Kapanalig, maliban sa patuloy na pagsunod sa mga health safety protocols katulad ng pagsusuot ng face masks, paghuhugas o pag-sanitize ng mga kamay, at physical distancing, epektibo rin ang pagpapabakuna, maigting at malawakang contact tracing, at libreng swab testing bilang mga kongkretong paraan upang sugpuin ang COVID-19. Para sa marami sa ating mga kababayan, malaking tulong din ang sapat na ayuda. Sa panahong lugmok sa kahirapang dala ng pandemya ang mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon, hindi na dapat sila ginigipit pa sa pamamagitan ng mga patakarang magdadagdag lamang sa bigat na pinapasan nila ngayon. Gaya nga ng sabi sa Kawikaan 22:23, hindi dapat sinasamantala ang kahinaan ng mahihirap.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 10,697 total views

 10,697 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 17,030 total views

 17,030 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 21,644 total views

 21,644 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 23,205 total views

 23,205 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 39,105 total views

 39,105 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 10,698 total views

 10,698 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 17,031 total views

 17,031 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 21,645 total views

 21,645 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 23,206 total views

 23,206 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 39,106 total views

 39,106 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 62,584 total views

 62,584 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 68,160 total views

 68,160 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 73,641 total views

 73,641 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 84,754 total views

 84,754 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 80,753 total views

 80,753 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 68,455 total views

 68,455 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 76,937 total views

 76,937 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 69,996 total views

 69,996 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 76,920 total views

 76,920 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 74,014 total views

 74,014 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top