Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Daig pa ang mga nakaririnig

SHARE THE TRUTH

 223 total views

Mga Kapanalig, sabi sa 1 Corinto 1:27, “…Pinili ng Panginoon ang mga mahihina ng sanlibutan upang ipahiya ang malalakas.”

Tila ba akma ang bersong ito upang ilarawan ang tapang ng mga kapatid nating may kapansanan nang magsampa sila ng kaso laban kay Presidential Communications Operations Office o PCOO Assistant Secretary Mocha Uson. Binastos daw ng opisyal at ng isa pang blogger ang mga kapatid nating bingi nang gawin nilang katatawanan ang paggamit ng sign language sa isang video tungkol sa federalismo. Sa video, nagpapanggap ang kasama ni ASec Uson na isang binging nagsa-sign language habang gumagawa ng mga tunog na ginagaya ang pakikipag-usap ng mga bingi. Malinaw na maririnig sa video ang sinabi ni ASec Uson na “mukhang unggoy” ang blogger, at nauwi sa halakhakan ang anila’y educational video.

Ayon kay Carolyn Dagani, pangulo ng Philippine Federation of the Deaf o PDF, inapakan ng ni ASec Uson at ng kanyang kaibigan ang dignidad ng mga kapatid nating hindi nakaririnig. Kaya naman, hindi nagdalawang-isip ang PDF na ireklamo si ASec Uson sa Ombudsman dahil nilabag daw niya ang maraming batas katulad ng Magna Carta of Persons with Disabilities at ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Kasama ng PDF ang Philippine Coalition on the UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities na nagsampa ng reklamo, at nanawagan silang tanggalin sa puwesto ang opisyal kung mapatutunayang lumabag siya sa batas.

Bagama’t nagbigay na ng public apology sina Asec Uson at ang kanyang kaibigan, iginiit ng PDF na madaling humingi ng tawad at magbago ng isip ngunt walang mababago kung hahayaan silang ipagpatuloy ang kanilang ginagawang pambabastos sa mga taong may kapansanan. Aantabayanan natin, mga Kapanalig, ang magiging resulta ng reklamong ito laban sa kontrobersyal na assistant secretary, na nahaharap din sa iba pang kaso dahil sa pagkakalat niya ng fake news at paninira sa isang opposition senator.

Mga Kapanalig, ang paggalang sa ating kapwa ay pagtugon natin sa kanilang mga karapatang nagmumula sa kanilang dignidad bilang nilikha ng Diyos. Ipinaaalala sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng pagtingin sa ating kapwa bilang isa pa nating sarili o “another self.” Sa pamamagitan nito, nagagawa nating isaalang-alang ang buhay ng ating kapwa at pagsumikapang tiyaking makapamumuhay sila nang may dignidad. Tungkulin ng bawat Kristiyanong ituring ang kanyang kapwa na para bang kanyang sarili rin, at ang aktibo silang ibigin at paglingkuran, lalo na kung nasa mga kalagayan sila ng kawalan ng katarungan. Lagi nating isaisip ang sinabi ni Kristo sa Mateo 25:40: “Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin.”

Itinuturo din sa atin ng panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng pagkilala at paggalang sa dignidad ng bawat isa—may kapansanan man o wala—sa pagtatatag ng isang lipunang makatarungan. Umiiral ang katarungang panlipunan o social justice kung natitiyak nating nakakamit ng “maliliit” at “mahihina” ang nararapat sa kanila batay sa kanilang kalagayan at bokasyon. Upang makamit ang mga ito, kinakailangan natin ng mga lider na marunong kumilala at gumalang sa dignidad ng lahat, anuman ang kalagayan nila. Kung hindi ito nauunawaan ng ating mga opisyal, dapat silang papanagutn ng mga institusyong nagpapatupad ng mga batas.

Mga Kapanalig, kahanga-hanga ang ginawa ng Philippine Federation of the Deaf. Sabi nga ng ilan, mabuti pa raw ang mga bingi, alam ang mali at kayang nilang ipaglaban ang tama, samantalang ang mga nakaririnig, nagbibingi-bingihan sa kabila ang ingay ng pulitika at pamamahalang walang bahid ng pagkiling sa mga maliliit at mahihina. Sa huli, nakikita natin na ang kalakasan ay wala sa kapangyarihang taglay ng isang tao kundi sa paninindigan niya para sa katotohanan at para sa dangal ng tao.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,688 total views

 72,688 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,463 total views

 80,463 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,643 total views

 88,643 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,241 total views

 104,241 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,184 total views

 108,184 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,689 total views

 72,689 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 80,464 total views

 80,464 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,644 total views

 88,644 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 104,242 total views

 104,242 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 108,185 total views

 108,185 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,679 total views

 59,679 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,850 total views

 73,850 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,639 total views

 77,639 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,528 total views

 84,528 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,944 total views

 88,944 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,943 total views

 98,943 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,880 total views

 105,880 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,120 total views

 115,120 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,568 total views

 148,568 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,439 total views

 99,439 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top