Guilty verdict ng IPT kay Pangulong Duterte, hindi dapat balewalain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 400 total reads

Hindi dapat na baliwalain ang ‘Guilty Verdict’ na ipinataw ng International People’s Tribunal (IPT) hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao ng Duterte Administration.

Ayon kay Former Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, bagamat walang legal bind ang hatol ng IPT ay isa itong malinaw na pagkundina ng international community sa nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Bukod dito, inihayag rin ng dating Punong Mahistrado ang mga nakahanay sa isinasagawang proseso ng International Criminal Court (ICC) at United Nations Human Rights Council sa mga isinampang kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

“Ito’y bale international condemnation ito, although hindi ito legally binding condemnation pa din ng malawakang sektor ng international community, meron pa naman tayong ICC process na hinihintay pa rin, may mga actions naman yung mga human rights commission sa UN at iba pang international organizations dapat nating pakinggan kung anong mga sinasabi na ang layo-layo na daw natin sa dating pangako natin na irerespeto ang karapatang pantao…” pahayag ni Sereno sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, nauna ng minaliit ng Malacañang ang naturang hatol ng IPT laban sa Administrasyon Duterte na isinagawa sa Brussels, Belgium.

Gayunpaman, inaasahang isusumite ng International People’s Tribunal (IPT) ang naging findings at hatol nito sa United Nations Human Rights Council, European Parliament at International Criminal Court sa The Hague.

Magugunitang sa mismong tala ng Philippine National Police, umaabot na sa higit 20-libong indibidwal ang bilang ng mga napatay sa ilalim ng War on Drugs ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Mariin ang paninindigan ng Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 27,686 total reads

 27,686 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 254,735 total reads

 254,735 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 148,202 total reads

 148,202 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 242,232 total reads

 242,232 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 285,170 total reads

 285,170 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top