Pagtapyas sa pondo ng CHED, ikinalulungkot ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total reads

Mahalaga ang Edukasyon sa bawat kabataan.

Ito ang tugon ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari kaugnay sa pagbawas ng budget na inilalaan sa programa ng Commission on Higher Education na tumutulong sa mga mag-aaral.

Ayon kay Bishop Mallari, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, dapat ipagpatuloy ng pamahalaan ang mga programang nasimulan upang hindi maisaalang – alang ang kapakanan ng mga kabataang natutulungan.

Iginiit ng Obispo na dapat pag-ibayuhin pa ng Pamahalaan ang mga programang pang-edukasyon sapagkat ito ang paraan sa pag-unlad ng bayan at mamamayan.

“Education is key to the renewal of a person and of society.” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Ikinalungkot ng Obispo ang naging hakbang ng Department of Budget and Management o DBM na bawasan ang pondo ng CHED para sa Tulong Dunong program na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa pahayag ni CHED Commissioner Prospero De Vera III, nangangamba ito para sa mahigit 350, 000 mag-aaral sa ilalim ng Tulong Dunong program lalo’t halos 250 porsiyento ang ibinaba ng budget nito para sa 2019.

Batay sa proposed 2019 national budget, 1.19 bilyong piso na lamang ang inilaan para sa nasabing programa ng C-H-E-D mula sa mahigit 4 na bilyong piso ngayong 2018.

Nanindigan si Bishop Mallari na ang edukasyon ang pinakamabisang pamamaraan sa pag-unlad ng pamayanan.

“Education is the best way to fight against poverty.” ani ng obispo.

Dahil dito hinimok ng Obispo ang pamahalaan na masusing pag-aralan ang bawat hakbang na gagawin dahil nakasalalay sa kanilang desisyon ang kinabukasan ng mga iskolar ng pamahalaan.

Bagamat marami pa rin ang makikinabang sa Free Tuition Law ng pamahalaan, hindi pa rin dapat maisasantabi ang iba pang programang pang-edukasyon partikular na sa kasalukuyang panahon na mataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, higit na kinikilala ang edukasyon bilang isa sa mga batayang nakatutulong sa paghubog at paglago ng pagkatao ng isang indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,303 total reads

 127,303 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,250 total reads

 264,250 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 380,025 total reads

 380,025 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,225 total reads

 495,225 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top