Dalaw Patron, isasagawa ng St.Pius X parish

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,167 total reads

Pinalalalim ng St. Pius X Parish ang debosyon ng mga mananampalataya kay St. Pius X, na kilala bilang “Pope of the Holy Eucharist,” kasabay ng pagdiriwang ng kanilang kapistahan ngayong Agosto.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan ng Radio Veritas, sinabi ni Jonas Banzali, PPC Coordinator ng St. Pius X Parish sa Maynila, na si St. Pius X na ang tunay na pangalan ay Giuseppe Melchiorre Sarto, ay naging mahalagang bahagi ng reporma sa Banal na Eukaristiya matapos niyang ibaba ang edad para sa pagtanggap ng Banal na Komunyon, dahilan upang mas maraming bata ang makatanggap ng Banal na Eukaristiya.

Ibinahagi ni Banzali na kabilang sa kanilang paghahanda sa kapistahan ang Dalaw Patron, kung saan dinadala ang imahen ni St. Pius X sa siyam na barangay na napili mula sa 36 na barangay na sakop ng parokya upang ipinagdiriwang ang Banal na Misa, maging sa kabila ng malakas na ulan at pagbaha dulot ng kasalukuyag Habagat.

Paliwanag ni Banzali, layunin ng Dalaw Patron ayon sa kura paroko ng Simbahan na si Rev. Fr. Neofil “Bong” U. Aguillon na mailapit ang Simbahan sa mga parokyano sa komunidad, lalo na sa mga matatanda at sa mga nahihirapang magtungo sa simbahan.

“Sinabi ni Father Bong noong unang ginawa itong Dalaw Patron, ‘kung ayaw pumunta ng mga parishioner sa simbahan, ang Simbahan ang pupunta sa tao.’” Dagdag pa ni Banzali.

Nakatakda namang idaos ang Karakol ng Bayan sa Agosto 22, habang ang pistang mayor sa Agosto 23 ay pangungunahan ni Most Rev. Antonio Tobias, na isa ring parishioner ng St. Pius X Parish, habang isasagawa rin ang prusisyon mayor kasama ang mga patron ng 12 kapilya ng parokya.

Sa pagdiriwang ng kapistahan, muling ipinapaalala ng buhay ni St. Pius X ang sentral na lugar ng Banal na Eukaristiya sa buhay ng bawat Kristiyano, sa pamamagitan ng paglapit ng Simbahan sa mga komunidad, lalo na sa mga higit na nangangailangan, upang maisabuhay ang panawagan na ang Eukaristiya ay hindi lamang ipinagdiriwang sa altar kundi nagiging pagkakaisa, paglilingkod at pagmamahal sa kapwa.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 46,836 total reads

 46,836 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 45,630 total reads

 45,630 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 79,808 total reads

 79,808 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 181,633 total reads

 181,633 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 222,192 total reads

 222,192 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 240,909 total reads

 240,909 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 46,837 total reads

 46,837 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top