Flood control projects ng Quezon City, nakatulong ng malaki sa pagbawas sa epekto ng baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,279 total reads

Naniniwala ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office nakatulong ang mga flood mitigation projects ng Quezon City sa pagbawas ng malalang epekto ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni QCDRRMO Spokesperson Peachy de Leon na bagama’t maraming lugar ang binaha, subsided na ang lahat ng naiulat na pagbaha sa mga kalsada at lansangan sa lungsod bagamat marami pa ring residente ang nananatili sa evacuation centers.

Ayon kay De Leon, umabot sa 201.7 millimeters ang naitalang ulan sa Science Garden mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon, o sa loob lamang ng limang oras kahapon.

Pagbabahagi ni De Leon, kabilang sa mga hakbang ng lungsod ang pagsasagawa ng mga detention basin, retention pond, flood interceptors, stormwater storage system, dredging at pumping stations.

“Kahit naman po mayroon tayong mga flood mitigation projects, hindi naman po ito totally mawawala ang pagbaha. Somehow po mababawasan po ang severity and frequency po ng pagbaha sa mga areas na vulnerable po na communities. At patuloy na rin naman po na ginagawa ng buong QC government ang mga flood mitigation projects para po makatulong at maibsan ang pagtaas ng tubig baha.” Bahagi ng pahayag ni De Leon sa Radyo Veritas.

Inihayag din ni De Leon ang isinasagawang ongoing na detention basin sa G. Araneta Avenue na maaaring mag-imbak ng hanggang 2,000 cubic meters ng tubig-baha bago ito unti-unting ilabas sa mga waterways kapag humupa na ang ulan.
Patuloy din aniya ang “Tanggal-Bara, Iwas-Baha” program ng Quezon City, kabilang ang clearing, dredging at declogging ng mga waterways upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig.

Sa bahagi ng Simbahan, ang paghahanda at pangangalaga sa mga komunidad na nasa panganib ay bahagi ng pananagutan sa buhay at kabutihang panlahat kung saan higit sa imprastraktura, mahalaga rin ang pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang maprotektahan ang bawat buhay, lalo na ang mga pamilyang higit na bulnerable sa panahon ng kalamidad.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 46,831 total reads

 46,831 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 45,625 total reads

 45,625 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 79,803 total reads

 79,803 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 181,628 total reads

 181,628 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 222,186 total reads

 222,186 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 240,904 total reads

 240,904 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 46,832 total reads

 46,832 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top