Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Demand sa droga hindi lang supply ang dapat tutukan

SHARE THE TRUTH

 220 total views

Mga Kapanalig, ipinagmalaki kamakailan ng Philippine National Police ang umano’y matagumpay na kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot. Nabawasan na raw kasi ng 90 porsyento ang supply ng iligal na droga sa bansa sa loob lamang ng halos tatlong buwan simula nang manungkulan si Pangulong Duterte. Sa larangan ng economics, ang “supply” ay tumutukoy sa dami ng produktong ipinagbili ng mga producers.

At paano raw naibabâ ang supply ng droga sa bansa? Hindi na naman lingid sa ating kaalaman na marami sa mga nasasangkot sa pagtutulak ng droga ang tinugis sa pamamagitan ng maituturing na extra-judicial killing. Tinutuligsa ang kalakarang ito ng iba’t-ibang grupo, kasama ang Commission on Human Rights at ang Simbahang Katolika, na naglalayong isulong ang karapatan sa buhay, kahit na ng mga pinaghihinalaang drug pushers at users. Sagrado ang buhay, at wala sa ating mga kamay ang magpasyang bawiin ito. Nakalulungkot lamang na mistulang walang bahid ng pagkabahala ang PNP nang ibinalita nitong tinatayang mahigit na sa 3,000 kataong may kinalaman sa pagpapalanap ng ipinagbabawal na gamot ang napatay.

Sabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa isang pagdinig sa Senado, umaasa siyang sa loob ng anim na buwan, wala nang papasok na malaking supply ng droga mula sa ibang bansa. Sa pagkawala ng supply, mababawasan din daw ang demand para sa masamang droga. Kung ang “supply” ay may kinalaman sa mga produktong handang ibenta ng mga producers, ang “demand” naman ay ang dami ng produkto o serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.
Law of supply and demand. Iyan po ang prinsipyong tinutungtungan ng PNP upang sugpuin ang problema sa droga sa bansa. Kung wala na nga namang magtutulak, wala nang mabibili. At kung wala nang mabibili, wala na ring bibiling mga adik.

Sa kasamaang palad, hindi lahat ng produktong binawasan ng supply ay nabawasan din ng demand. May mga produktong kahit na mababa ang supply, nananatili pa ring mataas ang demand. Halimbawa nito ay mga pangunahing bilihin gaya ng bigas. Hindi automatic na kapag mababa ang supply ng bigas, bababa na rin ang demand dito. Ang isa pang grupo ng mga produktong may ganitong uri ng katangiang pankonsumo ay ang sigarilyo, alak, at droga. Ito ay mga produktong may kinalaman sa addiction—ibig sabihin, kahit pa bawasan ang supply, hindi mababawasan ang demand. Tataas pa nga ang presyo ng droga, kaya’t kikita pa ang mga drug lords at drug cartels.

Ang kailangan ay pangmatagalang solusyon, at nakikita natin ito hindi sa pagpilay lamang sa supply kundi sa pamamagitan ng pagtugon sa mga sitwasyon at kundisyong nagtutulak sa mga taong malulong sa droga at kumapit sa patalim. At tayo pong mga bumubuo ng Simbahan, lalo’t higit ang mga layko, ay hinihimok na makibahagi s pagbawas sa demand—ang tulungan ang mga lulong sa droga na unti-unting iwan ang paggamit nito at ang paliwanagan ang ating kapwa, lalo na ang kabataan, tungkol sa kung paano sinisira ng droga ang kanilang buhay.

Ang pagtulong nating mabawasan ang demand sa droga ay nakatungtong sa isang mahalagang prinsipyo ng panlipunang katuruan ng Simbahan: ito po ay ang prinsipyo ng solidarity, ang pagkilalang tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa.

Mga Kapanalig, bilang mga Kristiyano, tayo ay inuudyukan ng ating pananampalataya na kumilos, hindi lamang upang tiyaking ligtas mula sa anumang kapahamakan ang ating sarili at pamilya, kundi upang magsulong ng mga alternatibo sa marahas na pagtugon sa problema ng droga. Hindi sapat na tutulan ang madugong digmaan sa droga; makibahagi po tayo sa pag-udyok sa pamahalaan at sa mga institusyong gaya ng mga paaralan at ng simbahan na palakasin ang mga programang pang-rehabilitasyon at edukasyon tungkol sa masamang dulot ng droga.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,674 total views

 72,674 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,449 total views

 80,449 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,629 total views

 88,629 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,227 total views

 104,227 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,170 total views

 108,170 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,675 total views

 72,675 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 80,450 total views

 80,450 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,630 total views

 88,630 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 104,228 total views

 104,228 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 108,171 total views

 108,171 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 59,677 total views

 59,677 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,848 total views

 73,848 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 77,637 total views

 77,637 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,526 total views

 84,526 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,942 total views

 88,942 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,941 total views

 98,941 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,878 total views

 105,878 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,118 total views

 115,118 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,566 total views

 148,566 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,437 total views

 99,437 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top