DENR, nanawagan sa mga turista na pangalagaan ang kalikasan.

SHARE THE TRUTH

 420 total views

Nanawagan si Under Secretary for Staff Bureau . Demetrio Ignacio sa mamamayan lalo na sa mga turista na pangalagaan ang kalikasan.

Ipinaliwanag ni Usec. Ignacio na mahalagang magkaroon ng kaalaman ang mga turista kaugnay sa tamang pangangalaga sa mga lugar na kanilang bibisitahin ngayong summer.

Aniya, dapat madisiplina ang mga turista upang maiwasan ang labis na pagkakalat, lalo na ang pagtatapon ng mga plastic sa karagatan.

Dagdag pa nito mahalaga ring maging maingat at mapagmatyag ang mga lokal na pamahalaan sa pagbabantay sa mga likas na yaman ng kanilang karagatan tulad ng mga coral reefs na inaabot ng libong taon bago muling mabuo kapag nasira.

“Kapag nasira ang isang coral reef it takes thousands of years para tumubo yan, kaya kami po, nakikipagtulungan kami sa Department of Tourism saka lalong lalo na sa lokal na pamahalaan, sila po kasi yung nasa lugar, sila yung puwedeng makakita niyan, sila yung puwedeng magbantay huwag nilang pabayaan at i-educate natin yung mga turista natin”.pahayag ni Ignacio sa programang Barangay Simbayanan.

Samantala, nagpaalala rin ito sa mga mahilig mag-hiking na huwag mag-iwan ng mga kalat sa kabundukan, at huwag gumawa ng mga gawaing makasisira sa kalikasan.

Hiniling din ni Ignacio sa bawat isa na magtipid,huwag magkalat at magtanim ng mga puno.

Nauna rito, nanawagan si CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga magbabakasyon na maging eco-friendly.

Read: http://www.veritas846.ph/summer-vacations-gawing-eco-friendly/

Matatandaang ito rin ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa encyclical na Laudato Si, upang maisalba ang daigdig na natatanging tahanang nilikha ng Panginoon para sa bawat nilalang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,964 total views

 81,964 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,968 total views

 92,968 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,773 total views

 100,773 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,960 total views

 113,960 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,331 total views

 125,331 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top