Diocese of Novaliches, may programa para sa drug surrenderees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 412 total views

Ilulunsad ng Our Lady of Lourdes Parish sa Diocese of Novaliches ang community-based rehabilitation program bilang tugon sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Ayon kay Fr. Luciano Felloni, parish priest ng parokya at SSDM coordinator ng diocese, sa nasabing programa inaanyayahan ang lahat ng mga drug user at pushers sa lugar na sumuko na upang hindi mabiktima ng extrajudicial killings na laganap ngayon sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Fr. Fellonio, magaganap ito sa Barangay Hall 104 ng Camarin Kalookan sa September 1, 2016 alas 8:00 ng umaga at ang lahat ng surrenderees ay sasamahan nila sa City Hall ng lungsod kung saan naroon ang tanggapan ng pulisya.

Nakapaloob sa programa ng Diocese ang apat na aspekto para sa rehablitasyon ng mga susukong sangkot sa ilegal na droga sa kanilang lugar kabilang na dito ang kahalagahan ng pamilya; pangkabuhayan; spirituality at psycho-social intervention.

“So bumuo kami ng community-based rehabilitation program, sa side ng Simbahan ang 4 na aspekto Una ang family, treatment ng family nila, I contacted Couples for Christ at ang Family and Life Ministry ng parokya ko, kung saan ang CoC will focus on marriage at yung FLM will focus on parenting; 2nd ang Livelihood, andito ang Social Services and Development Ministry in-charge dito, we will coordinate with TESDA; 3rd ang Spirituality, offer naming sa kanila ang ready-made modules like life in the spirit seminar, Jesus In Me , and all this kinds of seminar sa Church at ipo-focus to the same group sa mga under rehabilitation at 4th ang psycho-social intervention dito papasok ang psychiatrist, teaching about dependents how to get rid of it, nakausap ko ang CEFAM, they will send some volunteers and counselors and trained people from the local place for counseling, dito papasok yung sa medical, psychologist at counselor,” ayon kay Fr. Felloni sa panayam ng Radyo Veritas.

Nilinaw ng pari na sakop ng kanilang programa ang mga community-based cases lamang.

“After surrender ,the medical worker comes in, they will categorize yung mga surrenderee, some of them are recommended for in house so wala kaming ganyang program. Yung mga community based rehab yun lang ipapasa sa amin.” ayon pa sa pari.

Ayon kay Fr. Felloni, mahalagang masubaybayan ang mga surrenderees sa kanilang rehabilitasyon upang mabigyan sila ng pagkakataong gumaling at makapagbagong buhay.

“Kailangang mabigyan ng chance for healing, kailangang subaybayan ang proseso ng pagbabago” ayon sa pari.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 40 na sangkot sa droga sa lugar ang nagpahayag ng pagsuko at umaasa sila na madadagdagan ito sa September 1 bagamat may takot lalo na at ipapadeklara sa kanila kung saan nila kinukuha ang kanilang supply na droga.

Dadalo sa launching ng community-based rehab program si Bishop Antonio Tobias, mga opisyal ng DILG, media, Barangay officials, Mayor at mambabatas mula sa Kalookan City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 43,926 total views

 43,926 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 43,926 total views

 43,926 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 43,926 total views

 43,926 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 42,525 total views

 42,525 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 38,807 total views

 38,807 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 193,403 total views

 193,403 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top