Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Bayombong, humiling ng saklolo

SHARE THE TRUTH

 11,688 total views

Umaapela ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Bayombong matapos manalasa ang Bagyong Pepito sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino.

Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, hindi pa ganap na nakakabangon ang dalawang lalawigan mula sa mga nagdaang kalamidad sa nakalipas na mga linggo, ngunit muling naranasan ang malawakang pinsala dulot ng Super Typhoon Pepito.

Sa ulat ng Nueva Vizcaya Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), pitong katao ang kumpirmadong nasawi habang tatlo naman ang sugatan matapos matabunan ng gumuhong lupa ang isang tahanan sa Labang, Ambaguio, Nueva Vizcaya; habang nasa 4,300 katao o 1,200 pamilya naman ang nagsilikas.

“Medyo marami ang namatay ngayon dahil sa landslide at mas maraming nasirang mga bahay, bubong ng paaralan, at mga kapilya. Patuloy ang aming assessment para makatulong sa nangangailangan,” ayon kay Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Kabilang pa sa mga iniwang pinsala ng Bagyong Pepito ang mga nagibang dike, natumbang poste, namatay na mga alagang hayop, at mga nasirang bahay.

Hiling naman ni Bishop Mangalinao sa mga may mabubuting puso ang anumang maitutulong upang maibsan ang pasanin ng mga biktima ng mapaminsalang sakuna.

“Welcome at taos-puso po naming tatanggpin ang inyong mga panalangin at tulong-pinansyal sa aming Diyosesis,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Sa mga nais magbahagi ng cash donations, maaari itong ipadala sa BDO Account name na Roman Catholic Bishop of the Diocese of Bayombong, Inc. sa Peso Savings Account No. 004968013025, at sa Dollar Savings Account No. 104960449899.

Habang sa in-kind donations naman tulad ng pagkain, damit, at hygiene kits, maaari itong ipadala sa tanggapan ng Caritas Bayombong sa DWRV-AM Bayombong Compound, Maharlika Highway, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,860 total views

 70,860 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,855 total views

 102,855 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,647 total views

 147,647 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,618 total views

 170,618 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,016 total views

 186,016 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,585 total views

 9,585 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,338 total views

 6,338 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top