Pagpapawalang bisa sa Mining Act of 1995, isinusulong ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,214 total reads

Nanawagan ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa pamahalaan na isulong ang pagpasa ng Alternative Minerals Management Bill (AMMB) at tuluyang ipawalang-bisa ang Mining Act of 1995 kasabay ng paggunita ng Earth Day 2026.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, mahalagang maisama sa pagtugon sa climate crisis ang reporma sa mga polisiya sa malakihang pagmimina.

“Measures to address the climate crisis and ensure the survival of the planet should include reforms in the government’s policies on large-scale mining. Mining in many communities today is causing environmental degradation, worsening the impacts of climate change, and endangering the lives and livelihoods of the people,” pahayag ni Garganera.

Iginiit ng grupo na kinakailangan ang bagong batas upang matiyak na mapapakinabangan ng bansa ang yamang mineral nito, lalo na sa paglipat sa renewable energy.

Paliwanag ni Garganera, layunin ng AMMB na magtalaga ng “no-go zones” para sa pagmimina upang mapangalagaan ang mga watershed, biodiversity areas, agricultural lands, at kagubatan, gayundin ang pagpapatibay sa karapatan ng mga katutubo at pakikilahok ng mga komunidad sa mga desisyon.

“A just energy transition entails replacing the Mining Act with the AMMB. This is a concrete climate action that the government must urgently undertake towards nation-building and the wise and discriminating use of our minerals and natural resources,” saad ni Garganera.

Panawagan din ng ATM sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na agarang pakinggan ang hinaing ng mga komunidad na tumututol sa pagmimina sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya, Manicani at Homonhon Islands sa Eastern Samar, MacArthur sa Leyte, at Sibuyan Island sa Romblon.

“These communities are calling for a halt to mining operations and the cancellation of mining contracts in their respective areas. Earth Day is a timely reminder to the DENR to act on the residents’ demands and to make erring mining companies accountable for their violations and breaches,” ayon kay Garganera.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 52,700 total reads

 52,700 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 139,198 total reads

 139,198 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 182,235 total reads

 182,235 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 231,994 total reads

 231,994 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,722 total reads

 390,722 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,812 total reads

 191,812 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top