Episcopal ordination ng Bishop-elect ng Tagbilaran, nakatakda sa May 26, 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,516 total reads

Inihayag ni Tagbilaran Bishop-elect Gerardo Saco Jr. ang malinaw na direksyon ng kanyang paglilingkod bilang pastol ng diyosesis sa pamamagitan ng kanyang episcopal motto na “Confortare ego sum.”

Hango mula sa Ebanghelyo ni San Mateo 14:27, ang mensaheng ito ay tahasang panawagan ng Panginoon na “Take courage, it is I; do not be afraid.”

Ayon sa paliwanag sa kanyang coat of arms, ang mga salitang ito ay paalala ng patuloy na presensya ni Kristo sa gitna ng mga pagsubok at hamon ng buhay at isang paanyaya sa pananampalatayang may lakas ng loob.

Binibigyang-diin ng motto ang mensahe ng pamumuno ni Bishop-elect Saco, ang mahigpit na pagtitiwala sa Diyos sa kabila ng kawalang-katiyakan.

Ito rin ay ayon sa makasaysayang panawagan ni San Juan Pablo II nang mahalal itong Santo Papa noong 1978 na “Do not be afraid! Open the gates for Christ!” na malinaw na hamon sa Simbahan na maglingkod nang may tapang at bukás na puso.

“It is a constant reminder for the Bishop in entrusting himself and his ministry to Christ’s love and mercy,” ayon sa paliwanag ng episcopal motto ni Bishop-elect Saco.

Sa harap ng mga hamon ng makabagong panahon, malinaw ang direksyon ng bagong obispo ng Tagbilaran: ang isang Simbahang matatag, hindi natitinag ng takot, at handang sumunod sa tawag ni Kristo sa gitna ng anumang unos na haharapin.

Tampok sa episcopal coat of arms ni Bishop-elect Saco ang mga simbolo ng diyosesis at ang kanyang personal coat of arms kung saan itinatampok ang mga simbolo ng kanyang misyon at naging gawain sa lokal na simbahan mula nang maordinahang pari ng diyosesis noong 1993.

Si Bishop-elect Saco ang ikawalong Obispo ng Diyosesis ng Tagbilaran at inaasahang magsisilbing pastol na maghahatid ng lakas ng loob at pag-asa sa mananampalataya ng Bohol, lalo na sa isang milyong Katoliko.

Pormal na gagawaran ng episcopal ordination ang bishop-elect sa May 26 na pangungunahan ni Cebu Archbishop Alberto Uy bilang principal consecrator, katuwang ang mga kapwa Boholano bishops na sina Bishop Crispin Varquez ng Borongan at Bishop Socrates Mesiona ng Puerto Princesa, Palawan.

Samantala, si Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, naman ang magluluklok kay Bishop-elect Saco sa cathedra ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 48,787 total reads

 48,787 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 86,120 total reads

 86,120 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 121,419 total reads

 121,419 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 347,689 total reads

 347,689 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 238,286 total reads

 238,286 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top