Pagdiriwang sentenaryo ng Our Lady of Manaoag, isang biyaya sa mga deboto at simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,735 total reads

Kinilala ni Lingayen-Dagupan Auxiliary Bishop Fidelis Layog ang kahalagahan ng pagdiriwang ng sentenaryo ng Minor Basilica of Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag bilang tanda ng biyaya at pagmamahal ng Diyos sa mga mananampalataya.

Ayon sa Obispo, isang malaking biyaya ang pagdiriwang na ito para sa mga deboto at sa buong Simbahan.

Binigyang-diin ng Obispo na ang dambana sa Manaoag ay patunay ng patuloy na paggabay ng Diyos, lalo na sa mga panahong nanghihina ang tao dahil ang Diyos ay laging bukas at handang magbigay ng lakas at kalinga sa sinumang lalapit sa Kanya.

“Ito po ay isang kakaibang grasya na nagpapahiwatig ng pagmamahal ng Diyos, siya ay palaging bukas, palaging nagbibigay sa atin sa lahat ng panahon na tayo ay nanghihina. Ang kailangan po natin ay lapitan siya. And for 100 years, nasa harap po natin ang minor basilica na ito. Marami na po ang binigyan ng ating Ina ng pag-asa sa kanilang buhay pag-asa kasi sila’y napagaling sa kanilang sakit,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Layog.

Ayon pa kay Bishop Layog, sa loob ng 100-taon ay naging daluyan ng pag-asa ang dambana kung saan maraming deboto ang nakaranas ng kagalingan, lunas sa karamdaman, at solusyon sa kanilang mga suliranin.

Inilarawan din niya ang simbahan bilang patuloy na sumasama sa paglalakbay ng mga mananampalataya patungo kay Hesus at sa Diyos.

“At kapag kasama natin ang ating Ina, wala na tayong hihingin pa at higit pa bilang isang kasama, hindi isang Ina na nag-aaruga at nagyayakap sa atin. Sa mga panahon na tayo ay nangangailangan ng tulong at kalinga. So, God bless us all. God bless all of you, devotees of Our Lady of Manaoag,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Layog.

Hinimok ng obispo ang mga deboto na patuloy na magtiwala at dumulog sa Mahal na Birhen, lalo na sa mga panahon ng pangangailangan. Ang ganitong panawagan ay umaayon sa adhikain ng Simbahan, sa ilalim ng pamumuno ni Pope Leo XIV, na palakasin ang pananampalataya at pag-asa ng mga mananampalataya sa gitna ng mga hamon ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,429 total reads

 56,429 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,925 total reads

 142,925 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,962 total reads

 185,962 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,721 total reads

 235,721 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,240 total reads

 394,240 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top