Nuestra Señora de la Merced parish,ginawaran “Special Bond of Spiritual Affinity”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,987 total reads

Isang makasaysayang pagkilala ang tinanggap ng Nuestra Señora de la Merced Parish sa Pampanga matapos itong gawaran ng “Special Bond of Spiritual Affinity” ng Basilica de la Mercè sa Barcelona, Spain, na sentro ng debosyon sa Mahal na Ina ng Awa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong mundo na ipinagkaloob ang ganitong karangalan ng Orden de la Merced at ng Basilika.

Ayon sa pahayag ng parokya, natatanging pagkakataon ang pagkaloob ng ugnayan na magiging daan para mas mapalalim at mapalawak pa ang debosyon sa Mahal na Birhen na Ina ng Awa.

“Isang biyaya at karangalang ipinagkaloob sa ating parokya at bayan na nagpapalalim sa ugnayan at pananampalataya ng Pilipinas at Espanya sa ilalim ng pamimintuho ng Nuestra Señora de la Merced.”

Sa bisa ng ugnayang ito, magkakaroon ng kaparehong espirituwal na biyaya ang mga debotong bibisita sa parokya, tulad ng mga dumadalaw sa basilika sa Espanya.

Ang pagkilalang ito ay naisakatuparan sa kahilingan ng mga mananampalataya ng Bahay Pare, Candaba, sa tulong at paggabay ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, at sa pagsang-ayon nina Barcelona Archbishop Juan José Cardinal Omella at ng rektor ng basilika.

Nakatakdang pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang banal na pagdiriwang para sa makasaysayang ugnayang ito sa April 28 sa alas 9 ng umaga.

Ayon sa kasaysayan, ang debosyon sa Nuestra Señora de la Merced ay nag-ugat pa noong ika-13 siglo sa Espanya nang magpakita ang Mahal na Birhen kina St. Peter Nolasco, St. Raymond of Peñafort, at King James of Aragon kung saan hiniling ang pagtatatag ng orden na nakatuon sa pagliligtas ng mga bihag at pagpapalaganap ng habag ng Diyos.

Dinala ang debosyong ito sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo ng Espanya, at sa Candaba, Pampanga ay naging sentro ito ng matibay na pananampalataya, lalo na sa paniniwala sa Mahal na Ina bilang tagapagtanggol at mapagpalaya.

Sa bagong ugnayang espirituwal na ito, higit pang pinagtitibay ang makasaysayang pananampalatayang nag-uugnay sa Pilipinas at Espanya sa ilalim ng mapagkalingang pagkalinga ng Nuestra Señora de la Merced.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 14,031 total reads

 14,031 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 74,528 total reads

 74,528 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 96,097 total reads

 96,097 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 176,752 total reads

 176,752 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 277,714 total reads

 277,714 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top