Status Quo sa mga posisyon sa Diocese of Kalibo, ipinag-utos ni Bishop Villareal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,912 total reads

Tiniyak ni Kalibo Bishop Cyril Villareal na magpapatuloy ang pamamahala at paglilingkod para sa pastoral na pangangailangan ng diyosesis sa pamamagitan ng isang opisyal na kautusan kasunod ng kanyang pag-upo bilang ikalimang obispo ng Kalibo.

Sa inilabas na decree, inatasan ng obispo ang lahat ng may hawak ng katungkulan sa simbahan na ipagpatuloy ang kanilang mga tungkulin.

“I hereby decree that all clergy, religious men and women, and lay faithful who have an official appointment… shall continue functioning according to the faculties, responsibilities, rights, and privileges that are inherent to their office,” ayon sa atas ni Bishop Villareal.

Binibigyang-diin ng kautusan na mananatiling epektibo ang naturang direktiba kaagad at magpapatuloy hanggang sa ito ay bawiin ng obispo o ng kanyang magiging kahalili.

Layunin ng hakbang na matiyak ang kaayusan, katatagan, at tuloy-tuloy na paglilingkod ng Simbahan sa mga mananampalataya ng Aklan partikular sa mahigit kalahating milyong Katoliko.

Una nang tiniyak ni Bishop Villareal sa kanyang pagsisimula ng mga gawaing pagpapastol sa diyosesis na isabuhay ang episcopal motto nito na ‘Benedicam’ o ‘I will bless’ na hango sa Salmo 34:1.

Sisikapin ng obispo na maging pastol na mananatiling malapit sa kanyang kawan, nakikinig at nakahandang gumabay tungo sa landas ni Hesus.

Hiling ni Bishop Villareal ang patuloy na panalangin para sa katatagan upang maisakatuparan ang kanyang misyon bilang pastol ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,635 total reads

 56,635 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 143,131 total reads

 143,131 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 186,168 total reads

 186,168 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,927 total reads

 235,927 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,435 total reads

 394,435 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top