53,215 total views
The dangers of new communication technologies.
Sa paggunita ng ika-59 World Communications day, pinuna ni Pope Francis ang “era of disinformation and polarization”. Pinuna ng Santo Papa ang mga makapangyarihang social networks na nagdudulot lamang ng “fanaticism at hatred”.
Bilang pagkilala sa mga mamamahayag, nauunawaan ng Santo Papa ang hirap, sakripisyo at responsibilidad ng mga totoong mamamahayag na labanan ang ilang centers of power na komukontrol sa mass of data at impormasyon na lumilikha ng hindi pagkakaunawaan at pagkasira ng mamamayan.
Ipinaalala ng pastol ng mahigit sa 1.2-bilyong katoliko sa mga mamamahayag na sa kasalukuyang modernong panahon ng communication technologies, ang mga impormasyon na lumalabas ay nagdudulot ng takot, pagkadismaya,prejudice,resentment,fanaticism, hatred sa halip na pag-asa(hope).
Sinasabi ni Pope Francis na “All too often it simplifies reality in order to provoke instinctive reactions; it uses words like a razor; it even uses false or artfully distorted information to send messages designed to agitate, provoke or hurt.”
Sa kanyang general audience.. ginamit ni Pope Francis ang quote ni Martin Luther Jr., sinabi nito “ he dreamed of “communication that does not peddle illusions or fears, but is able to give reasons for hope.”
Ibinabala naman ng Santo sa mga mananampalataya ang “algorithms” na nagbibigay sa mga social media user ng mga impormasyon na para lamang sa kanilang interes at prejudices. Paalala nito “such digital systems… by profiling us according to the logic of the market, modify our perception of reality,” he said.
Tayong mamamayan Kapanalig ay hinihimok ng Simbahang Katolika na gamitin ang modernong teknolohiya, social media at maging ang Artificial Intelligence (AI) ay gamitin ng tama, gamitin sa pagpapalaganap ng mabuting balita (word of God), pag-asa, pagtutulungan at pagmamahalan.
Huwag tayong magpaalipin sa mga makabagong gadget…huwag nating hayaan na sirain ng mga kagamitang ito ang ating buhay, ang ating relasyon sa pamilya at kapwa.. Gamitin natin ang kagamitang ito sa mabuting pamamamaraan.
Kapanalig, ngayong 2025 ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “jubilee 2025”: jubilee of hope (lakbay pag-asa).
Kapanalig, tayo ay tinatawagan ng panginoon na magbigay ng pag-asa sa ating kapwa.
Sumainyo ang Katotohanan.