Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Election laws, pinapaamyendahan ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

 10,973 total views

Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga kandidato sa Midterm National and Local Elections na sumunod sa mga campaign rules ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay PPCRV Chairperson Evelyn Singson, dapat na sumunod ang mga kandidato sa mga panuntunan ng COMELEC ngayon opisyal ng nagsimula ang campaign period o panahon ng kampanya para sa pambansang posisyon sa Senado at party list sa Kongreso.

Kabilang sa ipinanawagan ni Singson ang pagbibigay halaga sa kalinisan ng kapaligiran mula sa mga election banners at tarps ng mga kandidato gayundin sa naaangkop na laki ng mga campaign paraphernalia na naaayon sa batas.

“As the campaign period starts, we hope that the candidates respect the campaign rules of Comelec. May they respect the environment and not defame our surroundings with unsightly banners and tarps. Additionally, they should tear down the huge advertisements they put up before the campaign period started as they have now become violations of the law.” Bahagi ng pahayag ni Singson.

“IT IS TIME TO REVIEW OUR ELECTION LAWS”

Umaasa naman si Singson na maamyendahan ang kasalukuyang election laws sa bansa kung saan malayang nakakapangampanya ang mga kandidato bago pa man opisyal na magsimula ang campaign period na dapat na ituring na paglabag sa batas ng halalan.

“We hope that our legislators will amend the rules that allow candidates to advertise themselves before the campaign period because it goes against the spirit of the law. If they use taxpayer’s money for these, it is an abuse of authority and wrongful use of taxpayers’ money.” Dagdag pa ni Singson.

Paliwanag ni Singson, napapanahon na upang muling pag-aralan at suriin ang kasalukuyang umiiral na election laws sa bansa upang maiakma ito sa kasalukuyang panahon kung saan higit na umiiral ang teknolohiya at makabagong paraan ng pangangampanya.

Kabilang sa partikular na tinukoy ni Singson ang pangangailangan na mawakasan na ang political dynasties sa bansa at ang pagpapataas sa kamalayan ng mga botante sa kahalagahan ng kanilang boto para sa bayan.

Giit ni Singson, mahalaga na masuri ang pag-amyenda sa mga batas ng halalan sa bansa upang matiyak na manaig ang tunay na demokrasya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng patas na pagkakataon sa lahat mahirap man o mayaman na maglingkod sa bayan.

“It is time to review our Election Laws and introduce reforms that recognize changes in technology and the needs of the time. We need laws that prevent political dynasties and improve the quality of voters and candidates. We need reforms that will not allow money to determine winners but reforms that will give fair and equal opportunity for rich and poor candidates to run for public office.” Ayon pa kay Singson.

Bilang paghahanda sa nalalapit na Midterm National and Local Elections sa Mayo ay inilunsad PPCRV ang Prayer Power Journey for Election noong December 2024 na magtatagal hanggang sa May 12, 2025 sa araw ng halalan upang ipanalangin ang aktibo at matalinong pakikibahagi ng 68 milyong botante sa bansa, gayundin upang matiyak ang ‘Clean, Honest, Accountable, and Peaceful Elections’ o CHAMP May 2025 elections.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 18,335 total views

 18,335 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 29,313 total views

 29,313 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,764 total views

 62,764 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 83,073 total views

 83,073 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,492 total views

 94,492 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 8,566 total views

 8,566 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 9,191 total views

 9,191 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top