8,632 total views
Sinuportahan ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) ang apela ng Ecumenical Institute for Labor Education and Reasearch (EILER) sa mga botante na ihalal ang mga kandidatong isusulong ang ikakabuti ng mga manggagawa.
Ayon kay AMLC Minister Father Erik Adoviso, napapanahon ang panawagan ng EILER dahil na kinakailangan ng mga manggagawa ang magsudulongv ng kanilang kinabukasan.
Iginit ni father Adoviso na ang paghalal sa mga pro-labor ay na lider ay maisusulong ang dignidad sa paggawa.
“Nasa social teaching din yan na kailangan ang bibigyan ng pansin yung kapakanan ng nakakarami, for the common good ika nga, yung dignity of the person yan ang pangalawa na sinasabi ng Catholic Social Teaching, for the common good yan ang laging palaging binibigyang pansin at yung respect ng human rights,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Adoviso.
Panalangin pa ng Pari na iboto ang mga mambabatas na isusulong ang tuluyang pagbuwag sa kontrakwalisasyon upang mabigyan ng katiyakan ang trabaho o kabuhayan ng mga manggagawa.
Nawa ayon pa kay Fr.Adoviso ay maipanalo din ng mamamayang Pilipino ang mga susunod na lider sa pamahalaan na isinusulong ang kasagraduhan ng buhay at pagpapabuti sa kalagayan ng kalikasan.
“So pumili tayo ng mga senador, lider na pro-labor at pro-life at the same time yun talagang para sa kalikasan, pro-life na talagang tinataguyod ang buhay at panghuli tinataguyod niya ang Pilipinas, hindi niya ibinebenta sa ibang bansa katulad ng China, kungdi mayroon siyang polisiya na para sa Pilipinas ,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Adoviso.
Naunang umapela ang EILER sa mga botante ngayong 2025 Midterm Elections upang mabigyan ng prayoridad ang mga hinaing ng mga manggagawa sa lipunan na maitaas minimum wage hanggang 1,200-pesos na Family Living Wage, maisabatas ang National Minimum Wage, at mabuwag sa kontrakwalisasyon sa lipunan.