Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,880 total views

Patuloy na nananawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) para sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng shearline sa Puerto Princesa City, at mga karatig na bayan sa Southern Palawan.

Ayon sa huling update ng AVPP-Commission on Social Action, umabot na sa kabuuang P14,300 ang nalikom na donasyon na nakalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Samantala, batay sa ulat ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), lima na ang naiulat na nasawi dahil sa matinding pagbaha at pag-uulan.

Mahigit-10,000 indibidwal o 2,044 pamilya naman ang inilikas at kasalukuyang nananatili sa evacuation centers o sa tahanan ng mga kamag-anak na nasa mas ligtas na lugar.

Sa paggunita ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, nanawagan si Bishop Socrates Mesiona na ipagdasal ang kagalingan ng mundo habang binigyang-diin na kailangan ding kumilos at maging responsable bilang tagapangalaga ng kalikasan.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring dalhin ang in-kind donations sa AVPP Social Action Center, Balay Padi, Seminario de San Jose, South National Highway, Tiniguiban, Puerto Princesa City, Palawan, at hanapin si Jerome dela Cruz.

Para naman sa cash donations, maaari itong ipadala sa GCash Account na Socrates Mesiona sa 0915-379-3054 o sa Metrobank Account name: Vicar Apostolic of Puerto Princesa, Inc. sa Account No.: 576-7-57-600821-6.

Paalala ng simbahan sa publiko na mag-ingat laban sa mga kahina-hinalang indibidwal na maaaring manamantala upang makapanlinlang ng kapwa sa ngalan ng simbahan at ang nangyayaring sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,112 total views

 19,112 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,126 total views

 69,126 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,995 total views

 64,995 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,966 total views

 100,966 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,633 total views

 108,633 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top