Distant at absentee parents, tinukoy ni Cardinal Tagle na ugat ng suicides

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 671 total reads

Naging sentro ang mga kabataan sa paksa ng taunang Holy Wednesday Recolection sa SM Megatrade hall, Ortigas, Pasig City.

Sa temang “Church R Us: Forever Young – Beloved, Gifted, Empowered,” pinagnilayan ng Cardinal ang ilan sa mga dahilan kung bakit pakiramdam ng mga kabataan ay naisasantabi sila at hindi minamahal.

Tinukoy ni Cardinal Tagle ang dumadaming bilang ng mga Overseas Filipino Workers.

Sinabi ng Kardinal na sa dami ng mga ina at ama na kan’yang nakakasalamuha sa ibang bansa ay naiisip niyang ganito din karami ang mga bata sa Pilipinas na lumalaki ng walang karanasan na makasama ang kanilang mga magulang.

Dagdag pa niya, isang aspeto din kung bakit hindi maramdaman ng mga anak ang pagmamahal sa kanila ay dahil sa mataas na pamantayan ng mga magulang.

Sinabi nitong isa ito sa mga dahilan ng suicide incidents dahil pakiramdam ng mga kabataan ay hindi sapat ang kanilang ginagawa upang maging mabuti sa mata ng mga magulang.

Sa halip na maramdaman ang pag-ibig ay insecurity at kawalan ng tiwala sa sarili ang nararamdaman ng mga kabataan.

“We have a generation who doubt and I loved and I loved. Absentee parents or nandyan man, [pero] distant, emotionally distant or very harsh yung tinatawag na cariño brutal. Mukhang good intention pero we come across not as loving but more of demanding… O kaya domineering, the love that dominates the love that does not allow the person to bloom. Instead of feeling loved they feel insecure before people who are supposed to show them love.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, ipinaliwanag ng Kardinal na mahalaga ang pakikinig sa mga kabataan upang maipakita at matiyak din sa mga ito na anu man ang kanilang naging karanasan sa mga magulang o sa kapwa, ay mayroong Panginoong handang kumalinga at yumakap sa bawat isa.

“With the assurance coming from the word of God know that you can find security in the embrace of God. Nobody can love you the way God loves you, believe in that. You can be secured only in the loving embrace of God for you came from God it was God who created you so you will be always precious to God.” Pagtitiyak ni Cardinal Tagle.

Tinatayang umaabot sa 20porsyento ng mahigit sa 80 milyong mga Katolikong Pilipino ay mga kabataang may edad na 15 hanggang 24 na taong gulang.

Dahil dito, patuloy na pinalalakas ng simbahang katolika ang mga programang sumusuporta at magpapalakas sa pananampalataya ng mga kabataan tulad na lamang ng nalalapit na pagdiriwang ng National Youth Day na magsisimula sa ika – 23 ng Abril at magtatapos sa ika – 28 sa Archdiocese ng Cebu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 69,639 total reads

 69,639 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,067 total reads

 105,067 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 140,368 total reads

 140,368 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 366,637 total reads

 366,637 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,152 total reads

 256,152 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,734 total reads

 36,734 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,624 total reads

 29,624 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top