Drug rehab program ng Simbahan, susuportahan ng Association of Filipino Franchisers Incorporated

SHARE THE TRUTH

 205 total views

Nakahanap ng suporta ang Simbahang Katolika mula sa Association of Filipino Franchisers Incorporated (AFFI) para sa livelihood program ng Caritas Restorative Justice Ministry para sa mga sumukong drug addicts at pushers.

Ayon kay AFFI chairman of the board, Armando “Butz” Bartolome, nakahanda ang kanilang sektor na binubuo ng mahigit 210 miyembro at 35 outlets na lumikha ng 220- libong trabaho sa buong bansa na magbigay ng livelihood orientation workshops sa mga itatayong community based rehabilitation program.

Paliwanag pa ni Bartolome bago pa mag – umpisa ang kampanya ng pamahalaan kontra – ilegal na droga ay matagal na rin silang nakikiisa upang magbigay ng libreng pagsasanay sa mga kabataan na maging young entrepreneurs at magkaroon ng disenteng mapag – kakakitaan.

Sinabi ni Bartolome na patuloy nilang ipinagtitibay ang adbokasiya ng CSR o corporate social responsibility na maibahagi ang kanilang kaalaman sa nakakaraming Pilipino na hindi lamang lumikha ng isang propaganda o pagpapakitang – tao lamang kundi may konkretong pagpapa – plano.

“More of our entrepreneurs here, members are social advocates, we want to think na not only making a profit but also sharing the blessing. We also encourage corporate social responsibility and that something most of us, we have our own share na CSR, not because of propaganda in fact we don’t really want any propaganda but we want to cater to people…We are all out if it is for the good of all especially for the mankind,” bahagi ng pahayag ni Bartolome sa panayam ng Veritas Patrol.

Samantala, nabatid na nasa 1.2 milyong bahay na ang nakatok sa ilalim ng Oplan Tokhang, kung saan 721,067 na drug personalities na ang sumuko.

Nauna na ring inilunsad ng Caritas Manila RJ ministry ang SANLAKBAY na tutugon sa pagbibigay ng spiritual formation sa mga drug surrenderees na nauna ng ipinanawagan ni Caritas Internationalis president at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,914 total views

 24,914 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,919 total views

 35,919 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,724 total views

 43,724 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,279 total views

 60,279 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 76,008 total views

 76,008 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 110,209 total views

 110,209 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top