Natuto na ba tayo pagkatapos ng Ondoy?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 593 total reads

Mga Kapanalig, pitong taon na ang nakalilipas, sa araw na ito, nang manalasa ang Bagyong Ondoy. Bagamat hindi ito kasinlakas ng Bagong Yolanda at hindi kasinlawak ang pinsalang iniwan nito kumpara sa naganap sa Tacloban at ibang lugar sa Visayas, inilantad ng Bagyong Ondoy ang mahinang paghahanda natin sa mga kalamidad, ang maling paggamit ng lupa at espasyo lalo na sa mga lungsod, at ang matinding epekto ng hindi natin pangangalaga sa kalikasan.

Itinuturing na kakaiba ang Bagyong Ondoy dahil bagamat mahina ang hanging dala nito, ang dami ng ulang ibinuhos nito nang tuluy-tuloy (lalo na sa Metro Manila) sa loob lamang ng siyam na oras ay katumbas ng isang buwang pag-ulan. Kaya naman maraming bayan at lungsod ang lumubog sa lampas-taong baha. Mahigit isang milyong pamilya ang naapektuhan, marami ang nawalan ng bahay, at halos 500 ang naitalang namatay.

Masasabing pinakamatindi ang epekto ng bagyong iyon sa mga maralitang tagalungsod, ang mga pamilyang walang katiyakan sa paninirahan at nagtitiis sa kanilang barung-barong sa gilid ng mga ilog at estero. Alam nilang mapanganib manirahan sa ganoong mga lugar, ngunit doon lamang kasi sila maaaring manirahan dahil sobrang taas ng presyo ng lupa sa mga lungsod at kulang na kulang ang murang pabahay. Pinalalâ pa ito ng katiwalian sa lokal na pamahalaan at ang kawalan nito ng aksyon upang kontrolin ang paglaki ng mga pamayanang ito. Pinili ng mga pamilyang ito na manirahan sa mga tinatawag na “danger areas”, hindi dahil gusto lamang nila kundi dahil mas malapit ang mga iyon sa mga trabahong akma sa kanilang kaalaman at kasanayan.

Ito ang katotohanang dapat sana’y naunawaan natin pagkatapos ng Bagyong Ondoy, ngunit pinilit na palabuin ng mga taong nais alisin ang mga mahihirap sa mga lungsod.

Matapos ang Bagong Ondoy, kapansin-pansin ang kaliwa’t kanang pagpapatayo ng mga commercial establishments gaya ng mga malls, gayundin ng mga matatayog na residential condominiums sa mga lungsod. Ngunit hindi ba kayo nagtataka, mga Kapanalig, kung bakit walang lugar na inilalaan para sa mga mahihirap upang maipagpatuloy nila ang kanilang kabuhayan, ang pag-aaral ng kanilang mga anak, at ang pagkakaroon ng access sa maayos na mga serbisyong pangkalusugan? Ito ay dahil sa hindi makatwiran at hindi maayos na paglalaan at paggamit ng lupa sa Pilipinas. Sa ngayon, mas pinapaboran ng pamahalaan, lalo na sa lokal na nibel, ang mga negosyong mapagpapasok ng malaking buwis sa kanilang kaban, gaya ng pagpapatayo ng mall, condominium, at private subdivision. Bihira ang mga lungsod na nagpapatayo ng mga pabahay para sa mahihirap nilang mamamayan.

Nararapat lamang na ilikas ang mga pamilya mula sa mga mapanganib na lugar upang sila ay maging ligtas at upang mapangalagaan ang mga ilog at estero, ngunit nangangailangan ito ng mapagkalingang pagtulong sa kanila. May mga solusyong mas mainam kaysa sa itaboy sila sa malalayong relokasyon kung saan walang maayos na supply ng tubig at mahirap makapaghanapbuhay. Nariyan ang mga tinatawag na high-density housing at community mortgage program ng pamahalaan.

Itinuturo sa atin ng Simbahang ang kayamanan ng mundo, kabilang ang lupa, ay para sa kapakinabangan ng lahat. Ang prinsipyong kung tawagin ay universal destination of goods ay nangangailangan din ng pagtutok natin sa mga mahihirap, sa mga isinasantabi ng lipunan at napag-iiwanan ng kaunlaran. Nililinaw rin ng panlipunang turo ng Simbahan na ang karapatan sa private property ay pumapangalawa dapat sa paggamit ng yaman ng mundo para sa ikabubuti ng lahat.

Ginising tayo ng Bagyong Ondoy sa katotohanan tungkol sa climate change, sa tinatawag na “new normal”. Ngunit may nagbago ba sa pakikitungo natin sa mga taong pinaka-naapektuhan? Bilang isang bayan, natuto ba tayong magbahagi sa kanila, ang ituring silang bahagi ng kaunlaran ng mga lungsod? O hinayaan lamang natin silang ipagtabuyan palabas? Pag-isipan natin, mga Kapanalig.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 38,637 total reads

 38,637 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 124,303 total reads

 124,303 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 171,040 total reads

 171,040 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 218,912 total reads

 218,912 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 321,063 total reads

 321,063 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 38,638 total reads

 38,638 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 124,304 total reads

 124,304 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 171,041 total reads

 171,041 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 218,913 total reads

 218,913 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top